Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Nadine engaged, wants baby after wedding next year

Nadine engaged, wants baby after wedding next year

IPINAKITA sa amin ni Nadine Samonte ang suot niyang engagement ring na ibinigay sa kanya ng fiance niyang si Richard Yap, anak ng character actress na si Isabel Rivas. NADINE SamonteTsika ni Nadine nang nakausap namin sa trade launch ng bagong shows ng TV5 na gina nap sa NBC Tent, Global City, July 13 this year noong nag-propose ng marriage ang kanyang fiance sa Sofitel Hotel.

Teary-eyed daw siya nang sagutin niya ito ng, “Yes!” Hopefully, next year ang kanilang wedding, ani Nadine. Handang-handa na siyang mag-asawa at may blessing na ‘yun ng kanyang mommy.

Ayon pa kay Nadine, gusto niyang magka-baby agad after their wedding. She’s 25 years old at bago siya mag-30, gusto niyang maging nanay na. “Baka kasi mahirapan na akong manganak kapag past 30 na ako,” sambit ng aktres. Inggit-inggitan nga raw siya sa mga kapwa niya “Starstuck” alumni na sina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi at Katrina Halili na mga nanay na.

Bagong show ni Nadine sa TV5 ang “The Gift,” drama series, tampok si Ogie Alcasid. Magsisimula ito on Oct. 14 at 7:30 p.m.

New shows
Sina Edu Manzano, Paolo Bediones at Derek Ramsay ang hosts sa ginanap na trade launch ng TV5. Simula sa Oct. 14, magkakaroon ng mga pagbabago sa programming ng Kapatid Network. May tagline na “Everyday All the Way,” mga exciting new entertainment at public affairs program, Monday to Friday, morning to evening ang hatid ng TV5.

Sa ginanap na launch, pahapyaw na biniro ni Paolo si Derek kung okey na ba siya. “Moving on,” ang matipid na sagot ni Ramsey. Obviously, Paolo was referring to Derek’s break-up with Cristine Reyes.

Ipinakilala naman at tinawag on stage ni Ms. Wilma Galvante (TV5’s Chief Entertainment Content Officer) ang mga artistang may kanya-kanyang programa. Pinangunahan ito ni Sharon Cuneta para sa “Madam Chairman.” First time ever teleserye ito ng megastar, kasama sina Jay Manalo, Ciara Sotto, Bayani Agbayani, Fanny Serrano at ang “Artista Academy” finalists na sina Akihiro Blanco at Shaira Mae dela Cruz. MC airs weeknights at 7 p.m.

‘Andu’n sina Ogie Alcasid for “The Gift” at Aga Muhlach for “Let’s Ask Pilipinas” (8 p.m.). Bida naman si Derek Ramsay sa “For Love or Money” (9:30 p.m.) with Alice Dixson and Ritz Azul. Magsisimula ito on Oct. 17. Ka-back-to-back nito ang “Positive” (8:30 p.m.) with Martin Escudero.

New segments
Simula Oct. 14, may must-see segments ang “Good Morning Club” with Grace Lee, Erwin Tulfo, Martin Andanar, Cheryl Cosim, Tuesday Vargas, Twink Macaraeg, and Christine Bersola-Babao. Tandem naman sina Christine at Gelli de Belen sa “Face the People,” weekday afternoon (4:30 to 5:30 p.m.).

Para sa News and Public Affairs program, host si Paolo Bediones ng “Demolition Job” (Mondays), Cheryl Cosim for “Numero “( Tuesdays), Lourd de Veyra for “History” (Wednesdays), Atty. Teresa Licaros for “Dayo” (Thursdays) at Paolo Bediones for “Astig” (Fridays).

Kasama naman ni Bediones sina Cheri Mercado at Jove Francisco sa “Pilipinas News” at 10:30 p.m., followed by “Reaksyon” with Luchi Cruz-Valdez (News5 head). Tampok naman sa “Juan Direction” ang YouTube sensations na sina Brian Wilson, Daniel Marsch, Michale McDonnel, Charlie Sutcliffe at Henry Edwards. Every Saturday ito simula sa Oct. 12 at 10 p.m.

comments