Home » Entertainment » Timing » Derek says no to indecent proposal

Derek says no to indecent proposal

9alice

Umalis kahapon si Derek Ramsay papuntang Hawaii para sa tatlong show na gagawin with Cristine Reyes and Ronnie Liang. Magso-show sila sa Honolulu, Maui at Hawaii on October 11, 12 & 13. Matagal nang commitment ‘yun ng aktor bago pa sila nag-break ni Cristine.

A day before he left for Hawaii, nagpa-presscon ang TV5 para sa bagong teleserye ni Derek, “For Love or Money” na mapapanood every Thursday simula sa October 17 at 8:30 pm.

As expected, tinanong si Derek kung posible bang magkabalikan sila ni Cristine. Ilang araw din silang magkasama sa Hawaii. “We’re friends. I can not predict the future,”ang matipid na sagot lang ni Derek. “Andu’n kami para mag-show and we’re just being professional. Kakanta pa ako with her.”

No to indecent proposal
In any case, ipinakita sa entertainment press ang pilot episode ng “For Love or Money” kung saan kasama ni Derek Ramsay sina Alice Dixson, Ritz Azul at Edward Mendez. Ambisyosang asawa ni Derek ang role ni Ritz na ayaw pang magkaanak dahil gusto muna niyang maging financially stable sila. Nagtatrabaho siya sa isang bangko at photographer naman si Derek.

Super rich and beautiful woman naman si Alice na Cristine Almonte ang pangalan. Ayon kay Derek, bago pa sila nag-break ni Cristine Reyes ay gano’n na ang pangalan ni Alice sa kanilang teleserye. Edward naman ang name ni Derek.

May indecent proposal si Alice kay Derek, P 10-million for a few intimate days. Ayon kay Derek, apprehensive siya noong una dahil sa tema ng FLOM. Iba raw kasi ang values sa Pilipinas. Pero nang ipaliwanag sa kanya ni Direk Mac Alejandre kung gaano kaganda ang show, ang kahalagahan ng pag-ibig at pera sa pangangailangan sa buhay, tinanggap niya ang alok ng TV5. “ I made the right decision,”ani Derek. “It’s a pleasure working with Direk Mac.”

In real life ba’y magagawa niyang tumanggap ng indecent proposal? “ I won’t accept any amount. My parents gave me a wonderful education. Masarap gastusin ang perang pinaghirapan. I have to work hard,”mariing sabi ni Derek.

Papatulan
Puring-puri ni Alice Dixson si Ritz Azul na aniya, she’ll go a long way at sobrang proud siya kay Ritz. Nagkatrabaho na sila sa “Glamorosa” kung saan gumanap si Alice bilang nanay-nanayan ni Ritz. Sa “For Love or Money,” magkaribal naman sila kay Derek Ramsay.

“Ritz really works hard. When I was 18 years old, I was a lousy actress. Sa tulong ng mga nakatrabaho kong directors and co-actors, nadevelop ang acting ko. Bata pa si Ritz at malaki pa ang ididevelop niya sa acting. I can see ‘yung dedication niya sa kanyang craft para ma-improve pa niya lalo. I always give her encouragement bago kami mag-take. Noong una, may reservations pa siya. But now, bumibigay na siya,”lahad ni Alice.

Kung may indecent proposal sa kanya ni real life, P 10-billion for a one night stand at para makatulong siya sa bayan, tatanggapin ba niya? “Why not? Papatulan ko kung para sa bayan,” saad ni Alice. Seryoso kaya siya o joke lang ‘yun?

Eh, kung may magpe-flirt sa kanya? “Depende kung type ko, pwede patulan (laughs). Kung hindi, next candidate na lang.”

comments