Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Enrique on Bea: Nakaka-in love

Enrique on Bea: Nakaka-in love

ENRIQUE Gil

MAGKASUNOD na gabi ang presscon ni Dingdong Dantes. Una, para sa pelikulang “She’s the One” with Bea Alonzo under Star Cinema. Pangalawa para sa bago niyang teleserye sa GMA7, ang “Genesis” with Rhian Ramos.

Ani Dingdong, feeling blessed siya na nakaka-crossover siya sa dalawang giant networks. Thankful siya sa GMA na pinapayagan siyang lumabas sa movie arm ng ABS-CBN. Third movie na niya sa Star Cinema ang “She’s the One.” The other two ay “Segunda Mano” at “One More Try” kung saan parehas siyang nanalong best actor sa Metro Manila Film Festival for two consecutive years (2011 and 2012).

First time ni Dingdong katrabaho si Bea at aniya, at ease agad siya with her. “Hindi siya maramot mag-offer ng kanyang friendship. What you see is what you get. She’s a nice and genuine person,” lahad ng Kapuso Primetime King.

Complete package
Nagpahayag naman si Bea Alonzo na bago pa sila nagkatrabaho ni Dingdong Dantes ay marami na siyang magagandang naririnig tungkol sa aktor. Anang aktres, parang excited siya parating pumunta sa set ng “She’s the One.” “Ang sarap at ang gaan katrabaho ni Dingdong. Walang reklamo. He’s very professional,” wika ni Bea.

Kung wala kaya siyang Zanjoe Marudo at walang Marian Rivera si Dingdong, posible kaya’ng ma-in love siya kay Dingdong? “Why not? Oo naman. Sobrang mabait at maalaga si Dingdong. Every girl’s dream. Complete package. Guwapo.”

Ayon pa kay Bea, si Dingdong ang tipo ng taong gusto niyang maging kaibigan. Masarap kausap. Maraming trivia at mahilig magpakita ng videos. Trivia King nga raw ito.

Nakaka-in love
Kasama sa “She’s the One” si Enrique Gil na baby boy kung tawagin ni Bea Alonzo. May kissing scene sila at ayon kay Enrique, na-tense at kilig-kiligan siya. First screen kiss niya si Bea at na-carried away siya sa eksena. Aniya pa, sa ibang eksenang magkasama sila ni Bea ay pinawisan siya. Kung bakit, hindi nag-elaborate si Enrique.

Sa eksenang nagpapalit ng gulong ng kotse si Bea na naka-black sando at basang-basa ng ulan, yummy raw si Bea, ayon kay Enrique. Asked kung crush ba niya si Bea, speechless for a while si Enrique at nag-blush. Sobrang pula ng face niya pati dibdib. “Nakaka-in love siya. Sobrang saya ko. Never ko na-imagine na makakatrabaho ko siya. Excited ako,” ani Enrique.

He’s 21 years old, no girlfriend, pero hindi siya naghahanap, ayon kay Enrique. Darating daw ’yun if it’s meant to be. “It takes time to get to that level para masabi ko na she’s the one na talaga. It’s a feeling na mahirap i-explain,” he said.

comments