Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jackielou kinabahan kay L T

Jackielou kinabahan kay L T

LOLA na rin pala si Jackielou Blanco. May apo na sila ni Ricky Davao sa panganay nilang anak na si Kenneth. May dalawa pa silang anak na babae na mga dalaga na. Proud lola si Jackielou at masarap daw pala
ang feeling.

JACKIE Lou BlancoHindi pa raw niya alam kung mamita rin ang ipatatawag niya sa kanyang apo gaya ng kanyang mommy Pilita Corrales. Mamita ang tawag kay Pilita ng mga apo niya.Gusto ni Jackielou na maging glamorous lola rin siya like her mom.

In any case, kasama si Jackielou sa “Genesis,” bagong primetime teleserye ng GMA7 na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes. Isang all-out kontrabida ang role ni Jackielou bilang Ramona Escalabre, vice president ng bansa na gagawin ang lahat para lang sa kapangyarihan.

Si Lorna Tolentino naman ang presidente. First time nilang magkatrabaho ni Jackielou. Ani Jackie, kinabahan siya noong unang magka-eksena sila ni LT na kanyang kumare. Ninang ito ng anak niyang si Rikki Mae. Grand slam best actress ba naman ang ka-eksena niya. Very supportive raw si LT, kaya naging komportable na siya sa mga sumunod nilang eksena.

Super busy
After Marian Rivera na nagguest sa iba’t ibang programa ng ABS-CBN noong nag-promote siya ng “Kung Fu Divas,” it’s Dingdong Dantes’ turn. Maglilibot ang Kapuso Primetime King sa iba’t ibang programa ng Kapamilya Network para sa promotion ng “She’s the One,” movie niya with Bea Alonzo under Star Cinema. Magge-guest si Dingdong sa “The Buzz,””Gandang Gabi Vice,” “Rated K” at “Kris TV.”

Sa GMA, magge-guest naman si Dingdong sa “Sunday All Stars” (SAS) para sa grand promotion ng “Genesis.” May guesting din si Dingdong sa “Startalk,” “Eat Bulaga” at MARS (GMA News TV). Tomorrow, may premiere night ang “She’s the One” at pilot airing din bukas ng “Genesis” pagkatapos ng “Kahit Nasaan Ka Man.”

Kahit punung-puno ang promo schedule ni Dingdong para sa kanyang pelikula at teleserye, parang wala siyang kapaguran. High na high pa rin ang energy niya. Aniya, nag-enjoy siyang gawin pareho ang “She’s the One” at “Genesis,” at sana raw, parehas tangkilikin ang mga ito. Sa Oct. 16 ang showing ng STO.

Mali pala
Inakala pala ni Daniel Matsunaga na si Heart Evangelista na ang “the one” for him. They were together for less (or more?) than a year na nauwi rin sa break-up. Si Heart ang nakipag-break, kaya sobrang na-hurt si Daniel.

“Mali pala ang naisip ko noon na si Heart na ang ‘the one’ for me,” saad ni Daniel noong presscon ng “She’s the One.” “It takes time pala to tell if she’s really ‘the one.’ Next time, I want to know better bago ko isiping she’s ‘the one’ na talaga.”

What about Kris Aquino? “She completes me from my worst to my best. Mabait siya,” sam bit ni Daniel. Tinutulungan daw siya ni Kris para makapag-guest siya sa show nito CKris TV”). Nali-link sila sa isa’t isa, pero ani Daniel, friends lang sila ni Kris. Tsika ng isang entertainment writer noong presscon ng “She’s the One,” sa isang guesting daw ni Daniel sa show ni Kris ay nakita on camera ang paghilig ng ulo ni Kris sa balikat ni Daniel.

Tipong unaware raw ang dalawa na nahagip ng kamera ang sweet-sweetan moment nila. Hindi namin napanood ang episode na ‘yun. Baka naman, hilig pang-kaibigan lang ‘yun?

comments