Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Enique willing to wait for Lisa

Enique willing to wait for Lisa

Enrique Gil and Lisa Soberano

by Rowena Agilada

Willing si Enrique Gil maghintay hanggang mag-18 years old si Lisa Soberano bago niya ito ligawan. Turning 16 pa lang si Lisa in January next year. Mahilig sa younger girls si Enrique na nakarelasyon niya noon si Coleen Garcia who was 16 years old then. Enrique is 21 now na aniya, hindi pa niya natatagpuan ang masasabi niyang “she’s the one.”

Magkasama sina Enrique at Lisa sa “She’s The One” na showing ngayon sa mga sinehan. ‘Kaaliw sila panoorin noong nag-guest sila sa morning show ni Kris Aquino na panay ang tukso sa kanila. Kilig-kiligan si Bea Alonzo habang pangiti-ngiti lang si Dingdong Dantes na mga kasama nila sa STO.

Bantay-sarado si Lisa ng kanyang tita Jonie na nagsisilbing guardian niya. Nagtatrabaho abroad ang mommy ni Lisa. Ang daddy naman niya ay may bago nang pamilya. Ang tita Jonie ni Lisa ang humahawak ng kanyang cellphone at ito ang tumatanggap at pinapasagot ni Lisa sa text messages ni Enrique sa kanya . Ani tita Jonie, okey lang kung nagtatawagan sina Enrique at Lisa dahil naririnig niya.

Bawal pa ligawan si Lisa dahil aniya, kasama ‘yun sa kontrata nila ng manager niyang si Ogie Diaz. Kaya pala!

Malakas kumain
Hindi talaga napaamin ni Kris Aquino si Dingdong Dantes kung kailan sila formally naging together ni Marian Rivera. Sabi lang ng Kapuso Primetime King na more than five years na sila.Afraid kaya si Dong na kapag sinabi niya ang exact date at year kung kailan sila naging officially on ni Marian ay may kampong mag-re-react? Basta!!!

Ibinuko pa ni Dingdong na mas malakas kumain si Marian kesa sa kanya. Parehas sila mahilig kumain, pero kahit malakas kumain ang girlfriend niya, hindi ito tumataba. Hindi rin daw mahilig mag-exercise si Marian.

Bukod sa pagkain, parehas mahilig mag-travel here and abroad sina Dingdong at Marian.Memorable kay Dingdong ang Palawan dahil doon daw sila nagkakilala ni Marian.

In any case, parang eksena sa pilot week ng “Genesis” ni Dingdong ang naganap na lindol sa Bohol, Cebu at karatig-lalawigan. Ang galing ng special effects sa “Genesis” na pinasabog ang Baguio City, nahati ang lupa na kinahulugan ni Robert Arevalo. Sa naganap na lindol sa Bohol, Cebu at karatig-lalawigan, may mga kalsadang nagkabitak-bitak at may mga gumuhong building at mga lumang simbahan.

Next important leading man
Next important leading man ng GMA Network si Kristoffer Martin. Kayang-kaya niyang kabugin sina Alden Richards, Rocco Nacino, Enzo Pineda at Aljur Abrenica na nauna nang bigyan ng lead roles sa mga ginawang teleserye ng mga ito.

Marami ang pumupuri sa ipinapakitang acting ni Kristoffer sa “Kahit Nasaan Ka Man.” Kahit sa mga eksena niyang wala siyang dialogue , nararamdaman ang emosyong ipinapahiwatig ni Kristoffer… kung masama ang loob niya, kung masaya siya, kung nagseselos siya kay Lucho Ayala na karibal niya sa lihim niyang pagtatangi kay Julie Ann San Jose.

Sa KNKM, naipapakita rin ni Kristoffer ang talent niya sa pagkanta at paggigitara. Pwede rin niyang karirin ang pagiging singer kung gugustuhin niya. Mamaya sa KNKM, sisitahin ni Pauline (Julie Ann) si John (Lucho Ayala) sa muling pagsisinungaling nito. Dadalaw si Delia (Rita Avila) kay Ernest (Michael de Mesa) sa kulungan. May mangyayari kay Sally (Vaness del Moral) na pilit niyang isisisi kay Pauline.

comments