Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Splitsville’s latest

Splitsville’s latest

by Rowena Agilada

PAREHONG non-committal sina Luis Manzano at Jennylyn Mercado sa kanilang recent break-up. Sabi ni Luis, they want to keep it private. More than two years ang naging relasyon ng dalawa. Diumano, walang third party involved. Nagkasawaan lang daw sina Luis at Jen sa isa’t isa. May gano’ng factor?
KRISTOFFER Martin and JULLIE San Jose
Baka naman, may mas malalim pang dahilan? Whatever! Marami pa naman ang inggit-inggitan kay Jen dahil prize catch si Luis. Sabi nga ng isang taong malapit sa TV host, “Suwerte si Jen kay Luis kapag sila ang nagkatuluyan.”

Paano ‘yan, suwerte na, naging bato pa? Well. ..

Break na rin
Break na rin sina Kristoffer Martin at Joyce Ching. Kay Eula Valdez namin ito nalaman nang nakausap namin sa taping ng “Kahit Nasaan Ka Man.” Tsika ni Eula, isang staff daw ang nagsabi sa kanyang break na sina Kristoffer at Joyce.

Earlier, kausap namin si Kristoffer na medyo lungkutlungkutan. Unaware kaming may pinagdaraanan siva. Kaya pala nang tanungin namin kung nagpaalam ba siya kay Joyce kaugnay ng kissing scene nila ni Julie Ann San Jose sa KNKM, ani Kristoffer, hindi kailangan. Naiintindihan naman daw ni Joyce na trabaho lang ‘yun.

“Labas ang personal feelings ko. Mas nangingibabaw ang work,” saad ni Kristoffer.

Hindi na kami nagtanong pa tungkol sa relasyon nila ni Joyce dahil noong presscon ng KNKM, sinabi ni Kristoffer na pinagbawalan na siyang magsalita tungkol sa relasyon nila. Sabi lang niya’y hinding-hindi siya papayag na paghiwalayin sila.

Kaya nagulat kami nang sabihin sa amin ni Eula na break na sina Kristoffer at Joyce. Bago kami umalis sa taping, tinanong namin si Kristoffer kung totoo bang break na sila ni Joyce, “Magulo kami ngayon,” ang tanging sagot ni Kristoffer.

Hinintay
Pansin lang namin, noong dumalaw kami sa taping ng “Kahit Nasaan Ka Man,” kahit tapos na naming interbyuhin si Julie Ann San Jose ay hindi siva umalis. Hinintay niya si Kristoffer. Lunch break ‘yun at kahit parehas na silang gutom, nagpainterbyu muna sila sa mga dumalaw na entertainment writers.

Pinapauna na namin si Julie Ann na kumain, pero ayaw niya at gusto yatang sabay sila ni Kristoffer. Do we smell something fishy? Asked her kung nag-take advantage ba si Kristoffer sa kissing scene nila, “Hindi. Malaki ang respeto niya sa mga babae,” sambit ni Julie Ann.

“Masarap bang humalik si Kristoffer? Ano’ng lasa ng lips niya?” tanong ng kasama naming gay reporter. “Ano bang tanong ‘van? Ayokong sagutin (laughs),” ani Julie na nag-blush pa.

Ano’ng na-discover niya kay Kristoffer? “Seryoso, madaldal, malambing, masarap kasama, magaling umarte. Mas marami na siyang experience sa acting. Ako, kailangan ko pa ng maraming motivations. I’m more of a singer kasi.”

Album launch
May album launch ng “TomDen” today sa “SAS” (Sunday All Stars). Kakanta sina Tom Rodriguez at Dennis Trillo. May mall show rin sila sa SM Valenzuela this afternoon at sa SM City Marilao on Nov. 3.

Oct. 15 inilabas on line ang “Tom Den” album na agad nanguna sa iTunes Philippines Top Albums chart base sa full album downloads.

comments