Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Lovi itinatangging naging sila ni Jake Cuenca

Lovi itinatangging naging sila ni Jake Cuenca

SA Nov. 7 ang concert ni Aljur Abrenica sa Music Museum. Billed “Come and Get Me,” guest performers sina Kris Bernal, Julie Ann San Jose, Rochelle Pangilinan at Vin Abrenica. Produced ito ng GMA Network at MJM Productions.

kris&aljur (prinsesa)Bakit hindi guest ang girlfriend niyang si Kylie Padilla? “Gusto ko sana, pero hindi pwede. Baka manood na lang siya,” sabi ni Aljur sa presscon ng kanyang forthcoming concert.

May away nga ba sina Kris at Kylie? Hindi kaya i-bully ng AlKris (Aljur-Kris) fans si Kylie?

“Wala namang problema kina Kris at Kylie. Okey sila. ’Yung mga fans lang nila ang nag-aaway. Sinubukan kong kausapin sila na sabi ko, relax lang sila. Huwag silang magbibitiw ng mga salita kapag galit sila para hindi sila makasakit ng damdamin. ’Yung mga idolo n’yo, ayaw nilang pinag-aaway sila. Naiipit nga ako sa away ng fans,” lahad ni Aljur.

Mas gusto niyang pag-usapan ang nalalapit niyang concert. Aniya, “Total show ito at ipapakita ko ang other side ni Aljur Abrenica. Non-stop dancing at singing ito for one and a half hours. I-e-xpress ko ’yung passion ko sa music. Sobrang excited ako dahil maihahandog ko sa mga manonood ang ilan sa mga paborito kong kanta,” pahayag ni Aljur.

LOVI PoeSpecial pa rin
Kahit itinatanggi ni Lovi Poe na nagkaroon sila ng relasyon ni Jake Cuenca, para sa aktor, they had a relationship. Ayon kay Jake, exclusively dating sila noon ni Lovi at kahit walang label, “I consider it a relationship. Naging masaya naman kami noon ni Lovi,” sabi ni Jake nang nakausap namin sa launch ng RTL CBS Asia Entertainment Network.

Ayon pa kay Jake, hindi siya galit kay Lovi kung itinatanggi nito ang naging relasyon nila. “We were dating for such a long time. But we’re still friends. Special pa rin siya sa akin. Kung saan siya masaya ngayon, I’m happy for her,” he said.

Wala siyang pinagsisihan sa mga nakarelasyon niya at lahat sila’y minahal niya, ayon kay Jake. Si Jessy Mendiola ang current apple of his eye at aniya, “Sobrang nakaka-in love si Jessy. Napakaganda niya. She’s very honest.”

Big fan
All praises si Ms. Tessie Tomas kina Kristoffer Martin at Julie Ann San Jose na mga kasama niya sa “Kahit Nasaan Ka Man.” “Maganda ang chemistry nila on-and-off screen. Si Kristoffer, may pagka-pilyo, pero malambing. Off-cam, niyayakap-yakap niya ako. Parang lola talaga ang turing niya sa akin,” wika ni Ms. Tessie. Mag-lola kasi sila sa KNKM.

Dagdag pa niya, pinapatawa niya parati si Kristoffer dahil nahihirapan itong mag-lighten up sa mga eksenang kailangan nitong magpatawa. Sa drama scenes, hats off siya kay Kristoffer. “Ang galing niya. Madali siyang umiyak,” ani Ms. Tessie.

Si Julie Ann naman daw ay palangiti at palabati. “Pag dumarating siya sa set, nakangiti na siya at nakabati agad. I’m a big fan of her. Magaling siyang singer. Maganda ang quality ng boses niya. Hinihintay ko nga siyang kumanta kapag break time namin at nasa tent kami. Hindi ko pa narinig. Baka nagsawa na siya sa kakakanta (laughs),” sabi ni Ms. Tessie.

Wish lang niyang ma-extend ang KNKM dahil sobrang nag-e-enjoy siya sa taping. “Maganda ang story. Kumbaga sa kape, tamang-tama lang ang timpla. Hindi mapait, hindi sobra sa gatas at asukal.”

comments