Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Freddie mas matinik kay Vic

Freddie mas matinik kay Vic

KRISTOFFER Martin and Joyce Ching

KABOG ni Freddie Aguilar si Vic Sotto. Sixteen years old lang ang kanyang girlfriend, samantalang 24 years old si Pauleen Luna na GF ng TV host-comedian. Mas matinik pala sa younger girls si Freddie. Intrigahin ba sila ni Vic? Senior citizen na si Freddie, pero “nakabulag” pa siya ng batam-batang chicks na parang apo na niya. Love is blind talaga.

Sa isang interbyu, sinabi ng girl na ayaw na niya ng maraming kaibigan at gusto na niyang mag-settle down sa piling ng lalaking mahal niya. Sobrang love raw niya si Freddie.

Ipinagmamalaki pa ng 60-year-old singer na aprubado ng pamilya ng kanyang bagets na GF ang kanilang relasyon.

Gusto na raw niyang magkaanak sila ng kanyang GF. Ayon kay Freddie, nagkakilala sila ng girl noong nakaraang eleksiyon sa Oriental Mindoro. Nangampanya siya para sa isang kaibigan at naispatan niya sa crowd ang naturang girl. Nagpa-picture pa ito sa kanya at binigyan niya ng kanyang calling card. Na-love at first sight siya. Akala raw niya, 20 something na ang edad ng girl. Malaking bulas kasi.

Sa text lang niya ito niligawan at noong naging “sila” na, saka niya nalamang 16 lang pala ito. In love na raw siya, kaya hindi na siya umatras. Napag-uusapan ngayon si Freddie dahil sa May-December affair nila ng kanyang GF na umaani ng iba’t ibang reaksiyon.

Magulong relasyon
Birthday ni Kristoffer Martin on Nov. 12. Turning 19 siya at maging happy pa rin kaya ang kanyang birthday? Sabi niya kasi nang nakausap namin sa taping ng “Kahit Nasaan Ka Man,” magulo ang relasyon nila ngayon ni Joyce Ching.

Hindi namin napansin kung suot pa ni Kristoffer ang identical ring nila ni Joyce. Basta pansin namin, may lungkot sa mga mata ni Kristoffer at bahagya rin siyang ngumiti na very unusual of him. Dati kasi, kapag kausap namin si Kristoffer, bubbly siya at full of laughter.

In any case, hindi naman naaapektuhan ang trabaho ni Kristoffer kahit may love problem siya ngayon. Nakaka-deliver siya nang maayos sa mga eksena niya sa KNKM. Thankful siya na tanggap ang tandem nila ni Julie Ann San Jose. Nabawasan na raw ang pamba-bash ng fans nina Julie Ann at Elmo Magalona. ’Yung iba, deadma na lang siya at hindi niya pinapatulan, ani Kristoffer.

Iwas-pusoy pa rin
Napanood namin ang “Showbiz Police” at halatang umiiwas si Raymond Gutierrez sagutin ang tanong nina Cristy Fermin at direk Joey Reyes kung totoo bang may anak na ang twin brother niyang si Richard. At kung totoo bang pagbalik nito mula sa US ay aaminin na nito ang anak?

Sabi ni Raymond, kasama ni Richard ang pamilya Gutierrez at wish niyang ’andu’n din siya para may maisagot siya. Oo, hindi o wala ang pwedeng isagot ni Raymond. Baka naman ayaw lang niyang pangunahan si Richard? Kasama rin daw ng kanilang pamilya si Sarah Lahbati.

Pangiti-ngiti lang si Raymond nang sabihin pa ni direk Joey na grand event ’yun kapag inamin ni Richard na may anak na siya dahil maganda at cute ang baby.

Sabi pa ni Raymond, matatagalan sa US si Richard dahil naghahanap ito ng school para mag-aral ng filmmaking.

comments