Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » In love at naghiwalay

In love at naghiwalay

by Rowena Agilada

JULIE Ann San JoseSino kaya sa mga kasama ni Julie Anne San Jose sa SAS (Sunday All Stars) ang nanliligaw sa kanya? Sinabi niya ito sa amin nang nakausap namin siya sa taping ng “Kahit Nasaan Ka Man.” Ayaw naman niyang magbanggit ng pangalan.

“Si Ruru Madrid ba?” tanong namin. “Inaasar-asar lang siya pag nagkikita kami sa SAS. Ewan ko sa kanya. He’s a younger brother to me (laughs),”ani Julie Anne. “Si Alden Richards ?”hirit namin. “Naku, tapos na ‘yun. Huwag na natin siyang pag-usapan,”sabi ni Julie Anne na para bang may bitterness sa tono ng pananalita.

“O, si Kristoffer Martin?” May-I-smile lang si Julie Anne. Naintriga tuloy kami dahil bago kami umalis sa taping ng KNKM, sinabi sa amin ni Kristoffer na magulo ngayon ang relasyon nila ni Joyce Ching. Dahil kaya kay Julie Anne?

May mga tweet si Joyce na nagpapahiwatig ng panghihinayang, hinanakit, tungkol sa pagtitiwala, et cetera.May kinalaman kaya ‘yun sa pagkakalabuan ng relasyon nila ni Kristoffer? O, totoong break na sila?

In any case, sabi ni Julie Anne, maraming revelations sa KNKM ang dapat abangan.Tutok lang gabi-gabi sa GMA7 Telebabad.

Birthday girl
Sa Philippine Children’s Medical Center nag-celebrate si Rhian Ramos ng kanyang 23rd birthday. Three years na niyang ginagawa ‘yun dahil aniya, kakaibang kaligayahan ang nararamdaman niya sa piling ng mga batang may sakit. Kita niya rin ang kasiyahan sa mga ito. Si Rhian mismo ang personal namigay ng mga pagkain sa mga pasyenteng bata.

Sinorpresa rin si Rhian ng boyfriend niyang si KC Montero at ng co-stars niya sa “Genesis”,pati production staff. Dinala siya ni KC sa isang park at nagulat siya nang datnan niya roon ang mga kasama niya sa trabaho. Sobrang touched siya,ayon kay Rhian.

Thankful si Rhian sa magandang feedback sa “Genesis,” kaya naman mas lalo siyang nai-inspire magtrabaho. She plays Raquel at sa istorya, nagkita na ang mag-ama niya (Dingdong Dantes bilang Isaak) at Sasha Baldoza bilang Osie),subalit hindi alam ni Isaak na ‘yun ang anak nila. Magkikita na rin sina Raquel at Isaak.

Break na rin
So, inamin na raw ni Mikael Daez sa ilang malalapit na reporters na break na sila ni Megan Young. Three years daw naging “sila” ng reigning Miss World. Mutual decision daw nila ni Megan ang maghiwalay. Umamin din kaya si Megan na naging”sila” ni Mikael? One year naka-base si Megan sa London para tuparin ang mga responsibilities and obligations niya bilang Ms. World.

Mukhang panahon na naman ng hiwalayan ng showbiz couples. Jake Cuenca-Lovi Poe, Paulo Avelino- LJ Reyes (totoo naman kaya?), Raymart Santiago-Claudine Barretto, Cesar Montano-Sunshine Cruz, Mark Herras- Ynna Asistio, Gian Magdangal-Sheree, Derek Ramsay-Cristine Reyes, Billy Crawford-Nikki Gil, Kristoffer Martin-Joyce Ching, Luis Manzano-Jennylyn Mercado. How true, break na rin sina Phil Younghusband at Angel Locsin?

Ang mga super in love naman ay sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, Zanjoe Marudo at Bea Alonzo, John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, John Prats at Isabel Oli, KC Montero at Rhian Ramos, Aljur Abrenica at Kylie Padilla, Vic Sotto at Pauleen Luna, Anne Curtis at Erwan Heussaff, Gerald Anderson at Maja Salvador, Geoff Eigenmann at Carla Abellana, senator Chiz Escudero at Heart Evangelista, Victor Basa at Divine Lee, vice-governor Jolo Revilla at Jodi Sta.Maria, Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, Alwyn Uytingco at Jennica Garcia, Edgar Allan Guzman at Shaira Mae (Artista Academy finalist),and who else?

comments