Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Luis madaling mag-sawa

Luis madaling mag-sawa

Angel Locsin 2

by Rowena Agilada

Hindi pala first time ni Freddie Aguilar magkaroon ng girlfriend na sobrang bata sa kanya. Ayon sa anak niyang si Meagan, nagkaroon ng 17-year old GF ang tatay niya. Naghiwalay ang mga ito noong 21 y/o ang girl.

This time, 16 years old naman ang karelasyon ni Aguilar. Hanggang kailan naman kaya ? Matinik pala talaga sa younger girls ang 60-year old folk singer na nagpasikat ng awiting “Anak.” Mahilig pala talaga siya sa mga bagets na parang anak o apo na niya.

Nababagabag ang DSWD sa relasyon ni Freddie sa isang 16-year old girl, kaya balak nilang kausapin ito para mapaliwanagan. Makikialam o manghihimasok na sila sa May-December affair na ito.

After you
After “you” ba ang diskarte ni Billy Crawford sa pakikipag-relasyon? May tsikang diumano, si Coleen Garcia ang bagong girlfriend ni Billy. Ex-GF si Coleen ni Gab Valenciano.

Naging girlfriend din ni Gab si Nikki Gil bago nito naging boyfriend si Billy. Ex-GF’s din ni Gab sina Rachelle Ann Go at Isabel Oli na parehas namang nakarelasyon ng mga ito si John Prats sa magkaibang panahon. After Gab, naging BF ni Rachelle Ann si John and after Gab, si Prats ang current BF ni Isabel.

After “you” din ba ang diskarte ni John? Ano kaya’ng reaction ni Gab na ‘yung ex-GF’s niya’y type rin pala nina Billy at John? Small world talaga sa showbiz na papalit-palit , paikot-ikot ang relasyon.

Masawain ba?
Masawain daw ba si Luis Manzano , kaya hindi nagtatagal ang pakikipag-relasyon niya? ‘Yan ang tanong sa umpukan ng isang grupo ng mga reporter. Anang isang kapatid sa panulat, si Luis ang nakipag-break noon kay Angel Locsin. Sobrang na-hurt daw ang aktres sa ginawa ni Luis.

It took a while bago raw na-realize ni Luis na love pa rin niya si Angel. Kahit ano pang effort ang ginawa ng TV host-actor, bigo ito to win her back. Sa isang interbyu, nagpahayag noon si Angel na wala pa siyang binalikan sa ex-boyfriends niya.

Sa hiwalayan nina Luis at Jennylyn Mercado, did we hear it right na si Luis ang nakipag-break? Diumano rin, nagsawa na raw si Luis sa relasyon nila ni Jen. May tsika pang diumano, nagsawa na raw si Luis sa mood swings ni Jen. How true kaya?

Laya na
Mamaya sa “Kahit Nasaan Ka Man,” matutuwa si Leandro (Kristoffer Martin) na papayagan na siya ni Theresa (Eula Valdez) na mag-aral ng musika. Tuwang-tuwa rin si Delia (Rita Avila) sa pagbisita sa kanya ni Ernest (Michael de Mesa).

Mawiwindang si Theresa pagdalaw niya sa kulungan sa balitang nakalaya na si Ernest. Ano’ng gagawin ni Leandro kapag nalaman niyang ang taong kinamumuhian ni Theresa ay ang daddy Ernest pala ni Pauline (Julie Anne San Jose)?

comments