Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Paulo single and complicated

Paulo single and complicated

PAULO Avelino

by Rowena Agilada

MAY bago na namang mamahaling Kapamilya child star, si Raikko Mateo na bibida sa “Honesto,” bagong teleserye na magsisimula sa Lunes (Oct. 28) sa ABS-CBN Primetime Bida. Kung minahal ng televiewers si Zaijan Jaranilla bilang Santino sa “May Bukas Pa” at Xyriel Manabat sa “100 Days to Heaven,” tiyak mapapalapit din sa puso ng madla si Raikko.

Super cute in person ang five-year-old bagets na kinagiliwan ng entertainment writers noong presscon ng “Honesto.” Aniya, gusto niyang makita ang sarili niya sa telebisyon, kaya nag-artista siya. Paborito niya si Coco Martin.

Nag-audition si Raikko for his role bilang Honesto at ayon kay Biboy Arboleda ng Dreamscape Productions, malaking bentahe ni Raikko ang kanyang mga mata na full of innocence.

Bago sila nag-umpisang mag-taping, pinag-workshop nila si Raikko. “Mabait siyang bata. Nakikinig at madaling matuto,” ani Biboy.

“Honest siyang umarte,” ayon naman kay direk Jerry Sineneng. “Mahirap ipaliwanag. Basta, kakaiba ang batang ito.”

Tungkol sa kahalagahan ng katapatan ang mensaheng gustong ipaalala ng “Honesto” sa buong sambayanan. Iikot ang istorya sa batang si Honesto (Raikko Mateo), anak nina Diego (Paulo Avelino) at Fina (Maricar Reyes). Namana ni Honesto sa partido ng kanyang ina ang pamumula ng kanyang ilong sa tuwing nagsisinungaling siya.

Kasama rin sa cast sina Janice de Belen, Eddie Garcia, Angel Aquino, Melissa Ricks, Joel Torre, Nonie Buencamino at Joseph Marco with Melai Cantiveros, Jason Francisco, Michael Conan, etc.

Single and complicated
Ikinagulat ng entertainment writers ang pahayag ni Paulo Avelino noong presscon ng “Honesto.” “I have a son at gusto kong mapanood niya ako rito sa “Honesto,” ani Paulo. Maganda raw kasi ang istorya, pambata na alam niyang magugustuhan ng anak niyang si Aki.

Ayon pa kay Paulo, never naman niyang itinanggi na may anak na siya (mother is LJ Reyes). Ayaw lang daw talaga niya pag-usapan ito. Asked kung ano’ng status niya ngayon, “Single and complicated,” he said.

Nagpaliwanag din si Paulo kung bakit tinanggihan niya ang isang teleserye with Angel Locsin. Aniya, nagkasunud-sunod ang trabaho niya. Sobrang napagod siya, kaya gusto niyang magpahinga muna. Besides, may personal problem siyang pinagdaraanan. May kinalaman kaya ‘yun sa tsikang diumano’y break na sila ni LJ?

Sa isang interbyu, inamin ng Kapuso actress na nagkalabuan na ang relasyon nila ni Paulo. Pero hindi raw niya pinagsisisihan na minahal niya ito dahil meron naman siyang anak na nagbibigay sa kanya ng lakas at tibay ng loob harapin kung anuman ang pinagdaraanan niya ngayon. Magkatulong pa rin daw sila ni Paulo sa pagpapalaki kay Aki. Tinutupad pa rin ni Paulo ang mga responsibilidad at obligasyon bilang isang ama.

And more
Tampok mamaya sa “Magpakailanman” ang istorya ni Miriam Castillo na gagampanan ni Gina Alajar. Kasama sina Dante Rivero, Bodie Cruz, Miggs Cuaderno, Mel Kimura at Marco Alcaraz. Sa direksiyon ni Ricky Davao.

May Kapuso Mall Show ang stars ng “Kahit Nasaan Ka Man” na sina Kristoffer Martin, Julie Anne San Jose at Lucho Ayala mamayang hapon (4 p.m.) sa Megacenter The Mall, Cabanatuan City, Nueva Ecija. Pasasayahin at pakikiligin nila ang kanilang fans and supporters doon.

Pasasalamat na rin nila sa pagtangkilik sa KNKM ang gaganaping mall show.

comments