Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Luis having heart-to-heart talk with mom Vilma

Luis having heart-to-heart talk with mom Vilma

Luis Manzano

Four months pregnant si Melai Cantiveros sa first baby nila ni Jason Francisco. Halata na ang umbok ng tiyan ni Melai noong presscon ng “Honesto” kung saan parehas sila ni Jason kasama sa cast.

Hindi na maselan ang pagbubuntis ni Melai at okey na siya ngayon,aniya. Noong first three months ng kanyang pregnancy ay parati siyang nagsusuka at parating masama ang pakiramdam niya. Due date niya in March next year. Sa first week ng December naman this year ang kanilang church wedding sa General Santos City.

May kasabihang may hatid na suwerte ang babaeng buntis at harinawang magkatotoo ito sa bago nilang teleserye sa ABS-CBN. Bida rito ang baguhang child star na si Raikko Mateo. Ang “Honesto” ay panibagong obra ng Dreamscape Productions, ang grupong lumikha ng matagumpay na inspirational drama series na “My Bukas Pa” at “100 Days to Heaven,”phenomenal teleseryeng “Walang Hanggan” at “Juan dela Cruz.” Bukas na ang pilot telecast ng “Honesto” sa Primetime Bida ng Kapamilya Network.

Malabong magkabalikan
This weekend nakatakdang mag-usap ang mag-inang Governor Vilma Santos-Recto at Luis Manzano. Ayon kay Luis, sasabihin niya lahat-lahat sa kanyang mommy ang tungkol sa break-up nila ni Jennylyn Mercado. Although, hindi nakikialam sa kanilang isyu ang kanyang mommy at hinahayaan siya nito sa kanyang desisyon, alam ni Luis na deep inside, gusto ring malaman ng kanyang mommy ang puno’t dulo ng hiwalayan nila ni Jen.

May pahayag ang TV host-actor na malabong magkabalikan sila ni Jen. Ayon sa ilang taong malapit kay Luis, sobrang nasaktan ito sa hiwalayan nila ni Jen. Mukhang malalim ang dahilan ng kanilang break-up. Ayon kay Luis, silang dalawa lang ni Jen ang nakakaalam ng katotohanan. Siyempre naman.

Hindi pa rin nagsasalita si Jen tungkol sa break-up nila ni Luis na ayon sa kanyang kampo, naguguluhan pa ito at pinag-iisapan kung dapat ba siyang magsalita o manahimik na lang.

Total package
Ang ganda ng interbyu ni Gladys Reyes sa mag-asawang Oyo Sotto at Kristine Hermosa sa programa niyang “Moments.” Sabi ni Oyo, suwerte siya kay Kristine. Total package raw ang misis niya.

Wala silang katulong at yaya ng dalawang anak nila. Magkatulong sila ni Kristine sa pag-aalaga sa mga ito. Si Kristine raw ang naglilinis ng bahay, nagluluto at naglalaba. Hindi raw niya akalain na kayang gawin ‘yun ng misis niya. Wala nga naman sa itsura ni Kristine na may alam sa mga gawaing-bahay.

Nang tanungin si Oyo ni Gladys kung ano naman ang payo sa kanila ng kanyang daddy Vic Sotto, sinabi raw nito sa kanila na huwag sila maghihiwalay ni Kristine. Kapag naghiwalay daw sila, huwag na silang magpapakita sa kanya (Vic).Ayaw ni Vic matulad sa kanya si Oyo na nasira ang marriage nila ni Dina Bonnevie.

comments