Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Polo nangarap maging bida

Polo nangarap maging bida

by Rowena Agilada

ZANDRA SummerLAST project na ni Polo Ravales ang “Pyra (Ang Babaeng Apoy)” sa old contract niya sa GMA Network. Aniya nang nakausap namin sa taping nito sa QC memorial circle, may offers mula sa ABS-CBN at TV5. Six months ago, may offer sa kanya ang Kapamilya Network. Kaya lang, may kontrata pa siva sa Kapuso Network, avon kay Polo.

Aniya pa, ‘yung offer sa kanya, napunta kay JC de Vera, kava ito ang natuloy sa paglipat sa ABS-CBN. Iniisip ni Polo na magfreelance na lang para pwede siyang makapag-crossover sa mga network. Dream role niya ang makaganap bilang isang sundalo sa isang action-drama series.

Okey lang ba sa kanyang nata-typecast siva sa kontrabida role? Bad guy na naman siva sa “Pyra.”

“Medyo ano lang … ” biting sabi ni Polo. “Hindi naman ako pwedeng maging choosy sa trabahong ibinibigay sa akin. Nakakontrata kasi ako. Pero siyempre, nangangarap pa rin akong mabigyan ng lead role. Sana,” wika ni Polo.

Kumusta naman ang lovelife? “May someone special ako. Three years na kami at nagli-live-in kami. Kasama namin ang parents niya sa bahay nila,” sabi ni Polo. Non-showbiz ang girlfriend niya na dating flight stewardes.

Ayon pa kay Polo, ayaw na niya ng taga-showbiz. “Graduate na ako (laughs). Pag non-showbiz less complicated,” he said. Si Jean Garcia ang huling naging showbiz GF ni Polo. Nakarelasyon din niya noon sina Sunshine Dizon at Alessandra de Rossi.

Kaibigan lang pala
Mariing itinanggi ni Zandra Summer na may relasyon sila ni Jeric Gonzales. Sino si Zandra? Finalist siva sa “Protege: The Battle for the Big Artista Break” na sina Jeric Gonzales at Thea Tolentino ang big winners. Magkakasama silang tatlo sa “Pyra (Ang Babaeng Apoy)” na pinagbibidahan nina Jeric at Thea . Afternoon prime series ito na napapanood sa GMA7.

Nakausap namin si Zandra sa taping ng “Pyra” sa QC memorial circle at aniya, nag-umpisa lang sa tuksuhan ‘yung sa kanila ni Jeric. During the “Protege” contest, parati silang tinutukso ng mga kasama nila.

“Wala ‘yun!” ani Zandra . “Friends lang kami ni Jeric. Walang ligawang nangyayari. Kaibigan ko rin si Thea. Walang selosan isyu … Dito sa ‘Pyra: ako si Ena, best friend ni pyra (Thea).”

Half-Filipino, half-Austrian si Zandra. Pi nay ang mommy niya from Cebu at taga-Austria ang daddy niya. She was born in Cebu 19 summers ago. May isa siyang kapatid na lalaki, 21 years old, na barkada rin niya, ayon kay Zandra na may hawig kay Miss World 2013 Megan Young.

Minsan nga raw na nasa isang mall siya’y may lumapit sa kanya at tinawag siyang Megan Young.

“Sabi nga sa akin ni Lauren Young, mas kamukha ko pa ang kapatid niya kesa sa kanya,” sambit ni Zandra na nagsabi pang crush niya sina Alden Richards at Dennis Trillo. Ang tindi talaga ng sex appeal ni Dennis sa younger girls. Crush din siya nina Barbie Forteza at Thea Tolentino.

Ginagamit lang?
Ayaw isipin ng isang talent manager (TM) na ginagamit lang ng isang pretty young star (PYS) ang alaga niyang male young star (MYS). Sana raw, totoong love ni PYS si MYS at huwag nitong paglaruan lang ang damdamin ng alaga niya.

Huwag daw sanang matulad si MYS sa isa pa niyang alagang young actor (YA) na nakarelasyon ni PYS. Ang dating sa TM, ginamit at pinaglaruan lang ni PYS si VA.

Ayaw namang pagbawalan ng TM si MYS sa pakikipagmabutihan kay PYS dahil baka raw isipin nitong mas pinapaboran niya si VA. Ayon sa TM, wala siyang kinakampihan dahil balanse lang ang pagtingin niya sa dalawang alaga niyang young actors.

comments