Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Aktres napagkamalang maid

Aktres napagkamalang maid

TEEJAY Marquez

by Rowena Agilada

AYAW maniwala ni Teejay Marquez na break na sina Kristoffer Martin at Joyce Ching. Hindi ikinakaila ni Teejay na type niya si Joyce noon pang magkakasama silang tatlo sa “Reel Love Presents: Tweenhearts.” Hindi nga lang niya napormahan noon si Joyce dahil “taken” na ito ni Kristoffer.

“Kaibigan ko si Kristoffer at respeto na lang sa kanya, kaya hindi ko niligawan si Joyce,” ani Teejay.

“Wala na sila ngayon, pwede mo na siyang ligawan,” we told him noong nakausap namin siya sa taping ng “Pyra (Ang Babaeng Apoy)” sa QC memorial circle.

“Malalaman ko kung totoong break na sila kapag nagkita kami sa birthday party ni Bea (Binene),” sabi ni Teejay. This month ang birthday ni Bea at ayon kay Teejay, may small party na invited lahat ng mga nakasama nito sa “Tween hearts.” Sort of reunion na rin nila ang birthday celebration ni Bea.

Sa “Pyra,” gumaganap si Teejay bilang Beto. Makaka-love triangle siya nina Jeric Gonzales at Thea Tolentino. Nagkatrabaho na sina Teejay at Thea sa “AnnaKareNina” kung saan gumanap sila bilang sweethearts.

Madramang buhay
Sa pakikipagtsikahan namin kay Teejay sa taping ng “Pyra,” pwedeng pang-“Magpakailanman” ang istorya ng buhay niya. One year old pa lang siya noong naghiwalay ang parents niya. Seloso raw kasi at wife beater ang daddy niya. Nagpunta sa Japan ang mommy niya at doon ito nagkaasawa ng isang Japanese. May dalawang half-siblings si Teejay sa mommy niya.

Ang lola niya (mommy ng dad niya) ang nag-alaga at nagpalaki sa kanya, ayon kay Teejay. Noong nag-aral siya ng elementary sa isang private school, pinapadalhan siya ng mommy niya ng pang-tuition fee. Noong nag-high school na siya, hindi na nito kayang pagaralin siya sa private school, kaya lumipat siya sa public, sa Ramon Magsaysay High School. Nabarkada si Teejay at natuto siyang uminom at manigarilyo.

Nag-aral siya ng HRM sa Trinity College, pero hindi siya nakatapos at hanggang second year lang
siya. Nag-aral siya ng Culinary Arts, pero hindi rin siya nakatapos dahil sobrang mahal ng tuition fee. Nagkautang pa siya sa school, ayon kay Teejay.

Para kumita ng sariling pera, nag-commercial model si Teejay. Lumabas siya sa STI, Cocacola at pinakabago ang Mang Tomas sarsa. Nag-audition siya sa GMA7 at isinama siya sa “Tween hearts” na sinundan ng iba’t ibang programa sa Kapuso Network. Isinasama rin siya sa mga regional shows.

Sa mga naipong pera ni Teejay, naipaayos na niya ang bahay nilang malapit sa Trinoma, QC. Kasama niya roon ang lola niya na sabi ni Teejay, mahal na mahal niya at hinding-hindi niya ito iiwan. Bonding moments nilang mag-lola ang mag-mailing at manood ng sine.

Napagkamalang maid
Sino itong aktres na napagkamalang maid nang sumali ito sa isang quiz show abroad? Beauty and brains
ang aktres na sa isang biyahe nito abroad, napag-tripan nitong magjoin sa isang quiz show.

Humanga ang host sa galing sumagot ng aktres not knowing na artista ito sa Pilipinas. Sabi ng host, magagaling daw pala ang mga maid sa Pilipinas. Deadma na lang ang aktres at hindi talaga ito nagpakilalang artista.

comments