Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Polo susubok muli sa pulitika

Polo susubok muli sa pulitika

Itanggi pa kaya uli ni Jennylyn Mercado na nagkaroon sila ng relasyon ni Andrei Felix, ex-boyfriend ni Venus Raj? Inamin ni Andrei on national TV na naging girlfriend niya si Jennylyn.

JENNYLYN MercadoNever inamin ng Kapuso actress na nagkaroon sila noon ng “something” ni Andrei na ang press release niya, friends lang sila. Hindi kaya proud si Jen kay Andrei, kaya hindi niya maaming BF niya ito that time na “item” sila noon?

Kung tama ang pagkatanda namin, buntis pa si Jen kay Alex Jazz noong naghiwalay sila ng father nitong si Patrick Garcia. Then, natsikang may”something” sina Andrei at Jen.

Tungkol naman sa kanila ni Venus, sinabi ni Andrei na basta na lang nagkalabuan ang relasyon nila. Sa telepono lang sila nag-usap ni Venus at nagulat siya noong nakipag-break ito sa kanya. Super sweet pa naman sila noon sa isang morning show. ‘Heard nga, dahil sa kanilang PDA (Public Display of Affection), kaya parehas silang natsugi sa programang ‘yun.

Susubok muli
May political ambition pa rin si Polo Ravales. Supposedly, kakandidato siyang board member sa Bataan noong nakaraang May elections. Kaya lang, hindi sila nagkaayos ng governor doon sa financial aspect,ayon kay Polo nang nakausap namin sa taping ng “Pyra” (Ang Babaeng Apoy) sa QC memorial circle.

“Gusto ko pa rin subukan ang pulitika. Mag-aaral ako ng Public Administration sa June next year. Sa susunod na election, kakandidato ako sa Baliuag, Bulacan. Tagaroon kasi ang mother ko,”saad ni Polo.

Bukod sa kanyang showbiz career, abala rin si Polo sa itinayo niyang Chinese restaurant (Mandarin Palace) sa BF Homes,Paranaque. Business partner niya ang isa niyang college friend. It’s doing well, anang Kapuso actor. Marami nga raw mga artistang tagaroon ang madalas kumain sa kanilang restaurant.

Aloof sa press?
Hindi namin alam kung aloof sa press o mahiyain lang ang isang aktor. Bahagya na itong ngumiti nang datnan ng ilang entertainment writers sa taping ng isang TV show. Kausap nito ang isang co-actor at biglang tumayo pagkakita sa press at dahan-dahang umalis.

Naiwan ang kanyang co-actor na magiliw nakipagtsikahan sa press. Ang layo ni actor #1 sa showbiz parents nito na magaling ang PR kapag nakakita ng press.

Matapos interbyuhin ng press ang ibang cast ng TV show at paalis na ang mga ito nang sabihin ng EP (executive producer) na ipapatawag si actor # 1 para ito naman ang interbyuhin. Nang bumalik ang inutusan ng EP, sinabing umalis na raw si actor #1. Umiwas ba kaya ito talaga o shy lang ito?

Anniversary celebration
Ang Philippine Center for Gifted Education Inc. PCGEI),headed by Dra. Leticia Ho ay magkakaroon ng
anniversary celebration para sa National Week for the Gifted and Talented 2013 ngayong buwan ng Nobyembre.

Bahagi ng selebrasyon ang “Mga Bagong Rizal Leadership” training sa White Knight Hotel Casa Manila Intramuros, Manila from November 22 to24. Magkakaroon din ng two-day workshop (November 29 to 30) sa Luxent Hotel, Timog,QC at may Fly A Kite for the Gifted on December 1 at 1 pm sa QC memorial circle. Inaanyayahan ang lahat ng gifted children na sumali sa drawing, design at pagbuo ng colorful kites (saranggola).

The search for “Mga Bagong Rizal Pag-asa ng Bayan” was organized in 2011. Layunin nito ang paigtingin ang public awareness tungkol sa giftedness at edukasyon ng mga gifted people.

comments