Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Marian tinanggihan si Tom?

Marian tinanggihan si Tom?

After Carla Abellana na nakatrabaho ni Tom Rodriguez sa “My Husband’s Lover,” maganda sanang pagsamahin naman sa isang project ng GMA7 sina Tom at Marian Rivera. Bagay din sila at mukhang malakas ang screen chemistry. Maraming fans ang nagre-request sa tambalang Tom at Marian.

TOM RodriguezPosible naman kaya ‘yun? Ex-manager ni Marian ang manager ngayon ni Tom na si Popoy Caritativo. From what we gathered, mukhang may tampuhan pa sina Popoy at Marian since nagpalit siya ng manager. Si Rams David ang manager ngayon ng Kapuso Primetime Queen.

May intrigang lumabas na diumano, tinanggihan ni Marian makasama si Tom sa isang project.Agad-agad namang itinanggi ito ni Marian. Aniya, bata ang makakasama niya at di niya alam kung may leading man siya. Sa kanya nakasentro ang istorya. Looking forward si Marian to working with Tom sa future projects niya sa Kapuso Network.

Magpakatotoo na kasi
Mukhang unti-unti nang nagiging open si Kris Bernal sa relasyon nila ni Carl Guevarra. Nagpo-post na si Kris sa kanyang instagram account ng magkasamang pictures nila ni Carl sa mga lugar na pinupuntahan nila.

Bakit naman kasi pakiyeme pa si Kris sa pag-amin sa relasyon nila ni Carl? May nagbabawal bang aminin ni Kris na boyfriend niya si Carl? Ano ‘yun? Jay Perillo part two ba?

Nice and sweet lady pa naman si Kris. Mas mamahalin siya ng entertainment press kung magpapakatotoo na siya sa namamagitan sa kanila ni Carl. Mamayang gabi na ang “Come and Get Me” concert ni Aljur Abrenica sa Music Museum na guest si Kris. Manood kaya si Carl?

Si Kylie Padilla na girlfriend ni Aljur ay inaasahang manonood. Mag-behave lang sana ang mga Alkris (Aljur-Kris) fans at huwag i-bully si Kylie.

Nagkaalaman na
Last two weeks na lang ang “Kahit Nasaan Ka Man” at paigting nang paigting ang mga kaganapan. Ano kaya ang maging epekto sa relasyon nina Leandro (Kristoffer Martin) at Pauline (Julie Anne San Jose) ngayong nagkita na ang mag-inang Delia (Rita Avila) at Leandro? Nalaman na ni Theresa (Eula Valdez) na ang tunay na ina ng ampon niyang si Leandro ay si Delia na girlfriend ng kinamumuhian niyang si Ernest (Michael de Mesa) na daddy ni Pauline.

Matuloy kaya ang balak ni Theresa na ipapatay si Ernest sa isang hired killer (Arthur Solinap) na “other man” ni Sally (Vaness del Moral) na asawa ni Tino (Ronaldo Valdez)?

Pasabog
Galing ng mga pasabog sa “Genesis” na parang isang malaking pelikula ang dating sa televiewers.May mga guest pang Kapuso stars na markado ang bawat karakter. May konek sa takbo ng istorya na hindi basta isiningit lang.

Gaya ni Isabelle Daza na gumaganap bilang (Helen) ang babaeng may vision. Sa paghaharap nila ni Isaak (Dingdong Dantes), makikita niya ang isang nakaambang trahedya.

Nalaman na ni Isaak na siya ang tunay na ama ni Osie (Sasha Baldoza). Ipinagtapat ‘yun sa kanya ni Tiya Fely (Irma Adlawan). Hahanapin niya ang kanyang mag-ina.

Aalukin ni Pres. Sandra Trinidad (Lorna Tolentino) sina Elena (Snooky Serna) at Shiela (Lauren Young) na tumira sa Malacanang. Hihirit si Ramona (Jackielou Blanco) kay Pres. Sandra ng isang slot sa ship with her family. Or else, ibubunyag niya ang tungkol sa Project Genesis. Aalukin ni Isaak sina Raquel (Rhian Ramos) at Osie ng slot sa ship. Di papayag si Paolo (TJ Trinidad).

comments