Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Ex-sweethearts Mark & Jen muling magtatambal

Ex-sweethearts Mark & Jen muling magtatambal

by Rowena Agilada

11Isabelle DazaNAKAUSAP ng ilang entertainment writers si Joyce Ching sa taping ng isang TV show. Siyempre, hindi siya nakaligtas sa tanong tungkol sa estado ng relasyon nila ni Kristoffer Martin. Nag-ala Janet Lim Napoles si Joyce at aniya, hindi niya alam.

Naguguluhan daw siya sa setup ng relasyon nila ngayon ni Kristoffer. Gano’n din ang sinabi ni Kristoffer sa isang interbyu. Ayon kay Joyce, hindi niya masabi kung cool-off sila o break na.

May communication pa rin naman sila at paminsan-minsan ay nagte-text sila sa isa’t isa. Birthday bukas ni Kristoffer at siguro naman, babatiin siya ni Joyce for old time’s sake.

Sabi ni Joyce, may mga personal silang hindi pagkakaintindihan ni Kristoffer kaya naging magulo ang kanilang relasyon. Nilinaw niyang hindi siya nagseselos kay Julie Anne San Jose na kapareha ni Kristoffer sa “Kahit Nasaan Ka Man.” Suportado niya ang Kapuso actor at masaya siya for him dahil natupad ang dream nito na maging leading man sa isang primetime teleserye.

Final week ngayon ng KNKM at abangan ang mga kaganapan sa pagtatapos nito sa Biyernes (Nov. 15). Happy ending kaya?

Balik-tambalan
Balik-tambalan sina Mark Herras at Jennylyn Mercado sa “Rhodora X” (dating “Madam X” o “Ms. X”). Huling nagkatrabaho ang ex-sweethearts sa “Ikaw Sana” in 2009.

Both are excited to be working again with each other dahil anila, na-miss nila ang isa’t isa. They
remained good friends kahit nagbreak sila several years ago. Away-bati ang relasyon nila noon. Sina Mark at Jennylyn ang grand winners ng “Starstruck Batch 1” ten years ago.

Sa mga “Starstruck” alumni, ‘yung batch nila ang pinaka-solid ang samahan hanggang ngayon. Plano nga nilang magkaroon ng reunion. Kabilang sa 55 Batch 1 sina Rainier Castillo (nasaan na ba siya ngayon?), Sheena Halili, Katrina Halili, Nadine Samonte, Alvin Aragon, Yasmien Kurdi among others.

May mga fans pa rin hanggang ngayon sina Mark at Jennylyn. Nabuhayan sila ng pag-asang baka magkabalikan ang kanilang mga idolo. Break na sina Mark at Ynna Asistio, Jennylyn at Luis Manzano. Kung paninindigan nina Mark at Jennylyn ang sinabi nilang wala pa silang binalikan sa mga ex-partners nila, hanggang pangarap o ilusyon na lang ang kanilang fans.

11Dingdong DantesKampante
Sabi ni Dingdong Dantes, malaki na ang improvement ni Marian Rivera sa mga pananaw nito sa buhay. Nabawasan na rin daw ang pagkaselosa ng girlfriend niya. Kampante si Dingdong na hindi pagseselosan ni Marian si Isabelle Daza. Guest ito sa “Genesis” at may kissing scene sila. Isabelle plays Helen, isang babaeng nakakakita ng flashes of the future. Laging tama, ngunit hindi buo.

Dating nurse si Helen na huminto sa kanyang trabaho dahil hindi niya kinaya ang mga vision niya sa mga dying patients. Nakita niya sa isang vision na hinahalikan niya si Isaak (Dingdong Dantes). Hindi niya alam kung sino ito o bakit niya hinahalikan ang lalaking ‘yun.

Nakita ni Helen na nangyari ‘yun sa tabing-dagat. Inisip niyang ang lalaking ‘yun ang babago sa buhay niya. Nang nagpunta siya sa tabing-dagat para hanapin si Isaak, isang vision ng parating na tsunami ang nakita niya. Ano’ng magiging kaugnayan nila ni Isaak? Tutok lang sa “Genesis” pagkatapos ng “24 Oras” sa GMA7.

comments