Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Secret wish ni Chard maging mediator between Sarah & GMA

Secret wish ni Chard maging mediator between Sarah & GMA

RICHARD Gutierrez

by Rowena Agilada

READY to work again si Richard Gutierrez in January next year. Aniya, may big announcement siya. Itaon kaya niya ’yun on his birthday on Jan. 21? Nang tanungin ang aktor sa presscon ng reality show ng pamilya Gutierrez, “It Takes Gutz to Be a Gutierrez” kung totoo bang may anak na sila ni Sarah Lahbati, hindi nag-confirm, hindi nag-deny si Richard.

“Mahirap kasi ’yung pinapangunahan kami. Mas maganda kung sa amin mismo manggagaling kung may dapat ba kaming sabihin,” words to that effect na sabi ni Richard sa entertainment press.

Hindi rin niya sinagot kung totoo bang lilipat siya sa ABS-CBN at kung totoo bang magpapalit siya ng manager. Aniya, abangan na lang daw next year ang mga announcement niya.

Maayos na sana
May pelikulang gagawin si Richard Gutierrez sa GMA Films. Aniya, excited siya dahil kakaibang genre ito. Challenging ang karakter na gagampanan niya at bago ang makakatrabaho niyang leading lady.

Si Atty. Annette Gozon-Abrogar ang president ng GMA Films at ani Richard, wala namang problema dahil on a professional level ang pagtatrabaho nila. Ang gusto ng aktor ay maayos na ang isyu between his girlfriend Sarah Lahbati and Atty. Annette.

Anang aktor, kung pwede lang na mamagitan siya para magkaayos na ang dalawa. Kung pwede lang daw na maging peacemaker siya. Hindi pa nga raw sila personal na nagkakausap ni Atty. Annette.
Mahirap talaga ang kalagayan ni Richard. Naiipit siya sa sitwasyon. Marami ang humahanga sa kanya sa all-out support niya kay Sarah. He must be very, very much in love with her. Ngayon lang naging open si Richard sa kanyang lovelife.

Nag-dilang-anghel
Nag-dilang-anghel si Ervic Vijandre nang sabihin niya sa isang interbyu na papasok sa Top 5 si Ariella Arida, representative ng Pilipinas sa Miss Universe 2013 beauty pageant. Third runner-up si Ariella at ang tinanghal na Miss Universe 2013 ay si Miss Venezuela.

Sabi ni Ervic, confident siyang makakasama si Ariella sa Top 5. Almost one year na siyang nanliligaw kay Ariella at ayon sa mga naunang report, bago ito umalis papuntang Russia kung saan ginanap ang Miss Universe competition, may pahayag diumano si Ariella na pagbalik niya sa Pilipinas at saka siya magdedesisyon kung sasagutin niya o hindi si Ervic.

Todo-tanggol ang Kapuso hunk kay Ariella sa mga patutsada ni Mo Twister sa dalagang nililiyag. Abangan na lang kung worth it ang ginawa ni Ervic at kung magiging happy heart siya pagbalik ni Ariella.

Kasama si Ervic sa isang koponan ng basketball sa PBA, pero aniya, ipagpapatuloy pa rin niya ang kanyang showbiz career. Abangan ang paglabas niya sa “Genesis” bilang leader ng mga rebelde. Makakalaban niya si Dingdong Dantes.

comments