Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jessy enjoy lang sa panliligaw nina Sam at Jake

Jessy enjoy lang sa panliligaw nina Sam at Jake

ENJOY-enjoy lang si Jessy Mendiola sa panliligaw sa kanya nina Sam Milby at Jake Cuenca. Kanya-kanyang diskarte ang dalawang binata at ayon kay Jessy, walang nakakalamang at parehas lang ang mga ito sa paningin at pakiramdam niya.

JESSY MendiolaMas generous si Jake na idinadaan sa mga regalo ang panliligaw niya kay Jessy. May constant communication naman si Sam with her kahit nasa abroad ito. Nag-e-effort daw talaga si Sam na magkausap sila parati.

Nagpakatotoo pa ang young actress na gusto niyang makita si JM de Guzman kung ano’ng itsura nito ngayon. Matagal na silang walang communication since they broke up. “I don’t want to say anything bad about him,” pahayag ni Jessy sa mga nakausap na entertainment writers noong presscon ng “Call Center Girl.”

Enjoy naman si Jessy working with Pokwang sa “Call Center Girl.” First time nilang nagkatrabaho at ani Jessy, parati itong nagpapatawa sa set. “Natutunan ko kay Mamang (tawag niya kay Pokwang) ang patience at perseverance sa work. Kahit pagod at puyat na siya, wala siyang reklamo,” ani Jessy.

Boto
Boto raw si Gabby Concepcion kay Luis Manzano for his daughter KC. Why not? Napanood namin si KC na naglaro sa “Minute to Win It” at bagay sila ni Luis, in fairness!

Both are articulate, well-educated, well-rounded people at parehas may showbiz parents. Ma-imagine n’yo kung magiging together sina Luis at KC, magiging mag-balae sina Gabby, Sharon Cuneta, Edu Manzano at Governor Vilma Santos-Recto.

Ang tanong nga lang, type ba naman nina Luis at KC ang isa’t isa? At least, si Luis walang anak out of wedlock, di gaya ni Paulo Avelino na nali-link ngayon kay KC. Ang ex-boyfriend ni KC na si Piolo Pascual ay unwed father din.

Balikan kaya?
Early next year mag-e-expire ang kontrata ni Dennis Trillo sa GMA Network. Guessing game kung magre-renew siya o lilipat ng ibang network. Ganyan din ang tanong no’ng nag-expire ang respective contracts nina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes.

Si Richard, hindi nag-renew at piniling magbakasyon-grande muna. Si Dingdong ay nag-renew ng another five-year contract at tinagurian pang Kapuso Primetime King na dating titulo ni Richard.

Ano naman kaya ang pwedeng ibigay na title kay Dennis? Muling sumigla ang career niya noong gawin niya ang “My Husband’s Lover.” May clamor na magkaroon ito ng sequel.

Curious lang kaming malaman kung ano’ng reaction ni Dennis sa sinabi ni Cristine Reyes na tingnan na lang daw kapag nakita siya ng kanyang ex-boyfriend. May pahayag kasi si Dennis na wala pa siyang binalikan sa mga ex-GF niya.

Para bang confident si Cristine na babalikan siya ni Dennis kapag nakita siya nito. Tingnan nga natin.

Gustong agawin
Na-master na ni Jackielou Blanco ang kontrabida role. Bagay naman sa kanya dahil bukod sa mestiza, matapang ang ganda niya. Kering-keri ni Jackielou ang role niya bilang Ramona sa “Genesis.” Hindi niya matanggap na natalo siya ni Sandra Trinidad (Lorna Tolentino) sa pagka-presidente ng Pilipinas. Gusto niyang maagaw ang puwesto nito, kaya ginagawa niya lahat para siraan ito. Magtagumpay kaya si Ramona?

Sa “Genesis,” alam na ng mga taong nalalapit na ang pagkagunaw ng mundo. Nagpa-panic na ang mga ito. Muling magkakaroon ng vision si Helen (Isabelle Daza). Mapipilitan siyang iwanan si Isaak (Dingdong Dantes).

comments