Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Kylie on Aljur-Kris act: ‘Kulang sa sweetness’

Kylie on Aljur-Kris act: ‘Kulang sa sweetness’

ALJUR and Kylie Padilla

KYLIE Padilla and Mikael Daez

by Rowena Agilada

NASORPRESA si Kylie Padilla sa pagdating ng kanyang papa Robin (Padilla) sa presscon ng “Adarna.” Iniinterbyu si Kylie ng isang grupo ng entertainment writers nang lumapit si Robin at niyakap ang anak.

“Parang magkapatid lang kayo,” wika ng press kay Robin. At 40 something, mukhang hindi pa siva tatay.

Ani Robin, masaya siva for his daughter dahil natupad ang pangarap nitong mag-action. Aksiyun-aksiyunan kasi si Kylie sa “Adarna ” na isang action-fantasy film.

Gusto sa nang interbyuhin ng press si Robin, pero tumanggi siva. Si Kylie na lang daw dahil presscon nito. Tinanong si Robin kung babalik na ba siva sa GMA, “Nag-a-apply nga ako,” aniya sabay yakap sa GMA executive na si Redgie Magno. Hindi nagtagal si Robin at umalis din siva.

Sa presscon ng “Ada rna,” nabanggit ni Kylie na nakulangan siva sa sweetness nina Kris Bernal at Aljur Abrenica noong nag-duet ang mga ito sa “Come and Get Me” concert ng huli sa Music Museum. “Gusto ko na ngang isigaw na i-kiss mo na,” ani Kylie.

Okey ba sila ni Kris at nag-uusap ba sila? Ngumiti lang si Kylie. Nanonood ba siva ng “Prinsesa ng Buhay Ko’? “Hindi!” agad-agad na sagot ni Kylie. ‘Yun na! Mukhang mahihirapan si Aljur sa gusto niyang maging friends or kahit speaking terms man lamang sina Kylie at Kris.

Nagkita
Hindi itinanggi ni Mikael Daez na nagkita sila ni Megan Young noong nagpunta siva kamakailan sa London. Anang binata, dalawang oras lang sila nagkasama ni Megan. Parehas kasing busy ang respective schedules nila.

Bilang Miss World 2013, ang daming activities ni Megan. Si Mikael naman ay nag-shoot ng apat . na episodes para sa “Midnight Snack.”

Ayon pa kay Mikael nang nakausap namin sa presscon ng “Ada rna,” baka bumalik sa Pilipinas si Megan next month. Hindi lang siva sure kung dito magpa-Pasko si Megan.

“Suwerte mo kay Megan. Super proud ka sa kanya, noh?” we told him na ang ganda ng ngiti ni Mikael. “Lahat naman tayo, proud sa kanya, di ba?” he said.

Hindi na namin kinulit si Mikael kung “sila” ba ni Megan. Obvious naman sa mga ngiti ng binata.

Ano naman ang reaction ni Mikael sa pagpasok ni Geoff Eigenmann sa “Adarna” at ito na ang leading man ni Kylie Padilla? Wala kasi ito sa original cast.

“I don’t mind. I’m happy to work with him. Hindi naman ako nagexpect na ako ang leading man ni Kylie. Happy ako sa role ko bilang taong ibon,” sambit ni Mikael.

“Adarna” premieres on Nov. 18 on GMA Telebabad.

Binasag ang ulo
Isang bakla ang gagampanan ni Gabby Eigenmann sa “Magpakailanman” na mapapanood ngayong Sabado. Pinamagatang “Peligro sa Sariling Bahay: The Art Evangelista Story,” gaga nap siva bilang Art Evangelista, ang baklang umibig na binasag ang ulo sa sariling bahay.

Isang sikat na hairdresser sa kanilang lugar si Art at kinupkop niya ang kanyang mga kapatid para magtrabaho sa kanya. Subalit pinagmamalupitan niya ang mga ito at mas may malasakit pa siva sa kanyang boyfriend. Tutol ang mga kapatid niya dahil pera lang daw niya ang habol nito.

Isang araw, natagpuang nakahandusay si Art sa kanyang bahay, basag ang ulo. Sino ang pagbibintangan? Ang kanyang mga kapatid o ang kanyang boyfriend? Tampok din sina Glydel Mercado, Kevin Santos, Gerard Pizarras, Geraldine Villamin, Bekimon at Chrom Cosio. Sa direksiyon ni Andoy Ranay.

comments