Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Utos ni direk: Bawal ang dalaw

Utos ni direk: Bawal ang dalaw

Kylie Padilla

by Rowena Agilada

BAWAL ang dalaw ng mga boyfriend o girlfriend sa set ng “Adarna.” ’Yan ang mahigpit na kautusan ni direk Ricky Davao sa cast na may karelasyon. “Hindi talaga pwede kahit saglit lang,” aniya sa presscon ng “Adarna.”

Naiintindihan naman ito nina Kylie Padilla, Geoff Eigenmann, Chynna Ortaleza and their respective partners, Aljur Abrenica, Carla Abellana, and former actor Railey Valeroso. Non-showbiz naman ang BF’s nina Michelle Madrigal at Ryza Cenon.
Tampok din sa “Adarna” sina Jean Garcia, Maureen Larrazabal, Dante Rivero at Saab Magalona.

Si Benjamin Alves ay wala raw girlfriend. Si Mikael Daez ay may Megan Young na wala naman sa bansa Nasa London ito na super busy sa mga activities bilang Miss World 2013.

Mamayang gabi na ang pilot telecast ng “Adarna” sa GMA Telebabad at ani direk Ricky, confident at proud siya sa project. “Magagaling ang cast (members) at seryoso sila sa kanilang craft. I’m praying for good ratings at sana tangkilikin ito ng televiewers. Dedicated namin ang “Adarna” sa mga typhoon victims ni Yolanda,” wika ni direk Ricky.

Inaasam-asam
Sa trailer ng “Adarna,” hindi ipinakita kung sino ang ama ni Kylie Padilla. Wish niyang ang kanyang papa Robin ang gumanap bilang ama niya. Why not?

Nagkaroon nga ng speculation na baka may cameo role si Robin sa “Adarna” nu’ng sorpresang dumating siya sa presscon. Nag-joke pa si Robin na nag-a-apply siya sa GMA7. Sabagay, wala pa siyang regular show sa ABS-CBN. But we heard, inaalok siya ng panibagong kontrata ng Kapamilya Network.

Maganda sana kung maging Kapuso siyang muli para malaki ang posibilidad na magkasama sila ni Kylie sa isang project. Mas maganda kung kasama rin si Aljur Abrenica. Ani Kylie, matagal na niyang inaasam-asam na magkaroon sila ng project ni Aljur. Napag-uusapan nila ito. Sabi pa ni Kylie, payag siya kahit love triangle pa sila nina Aljur at Kris Bernal. Okey naman kaya ’yun kay Kris?

Excited
Wala pang bagong teleserye si Barbie Forteza matapos ang “AnnaKareNina.” Napapanood lang siya sa SAS (“Sunday All Stars”) at sa mga guesting niya sa iba’t ibang programa ng GMA7.

Ani Barbie, magge-guest siya sa “Genesis” for one week. Excited siya dahil magiging bahagi siya ng scifi-action-drama series na ito na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes, Rhian Ramos at Lorna Tolentino. Ayon kay Barbie, karamihang eksena niya’y kasama si Rhian.

Magandang ideya ’yung every week ay may guest sa “Genesis.” Nag-guest na sina Snooky Serna, Lauren Young, Gardo Versoza, Mark Anthony Fernandez, Isabelle Daza. Abangan ang pagge-guest ni Ervic Vijandre na nagsabing winelkam siya sa set ni Dingdong ng buong puso. Hindi isyu sa kanila kung ex-girlfriend ni Ervic si Marian Rivera.

Blessed year
Blessed year kay Marian Rivera ang 2013. Sunud-sunod ang magagandang blessings na dumating sa kanya. Cover girl siya ng FHM Philippines (January issue) at tinanghal na sexiest Pinay, cover girl ng “Cosmopolitan” magazine (March issue).

May mga endorsement din si Marian, 2014 calendar girl ng Ginebra San Miguel at endorser din siya ng isang brand ng cellphone.

Nominated naman si Marian for best actress sa Asian Television Awards for her performance in “Temptation of Wife.” Nominated din siya for best drama actress (TOW) sa PMPC Star Awards for TV na gaganapin sa Nov. 24 sa AFP Theater.

Meron pang bagong teleserye si Marian sa GMA7 kung saan si Alden Richards ang leading man niya. Anang Kapuso Primetime Queen, sobrang thankful siya sa blessings na dumating sa kanya. Sana raw, magpatuloy pa ito next year.

comments