Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » ‘Calungsod’ death scene ‘buwis-buhay’ para kay Rocco

‘Calungsod’ death scene ‘buwis-buhay’ para kay Rocco

by Rowena Agilada

RYAN AgoncilloNANGANGANAY pa si Ryan Agoncillo sa bagong game show niya sa GMA7, “Picture! Picture!” na magsisimula ngayong Sabado, 6 to 7 p.m.

Aniya, first time niya muling nagkaroon ng show sa Kapuso Network. ‘“Unang Hirit’ ang unang show ko sa GMA na Where You Belong pa. That was in 1999 to 2000. Ngayon, Kapuso na. Team effort kami sa ‘Picture! Picture!’ and I’m proud na original ang concept, hindi franchise,” he said.

Photographer siya, kaya nagustuhan niya ang PP, ani Ryan. For now, mga celebrity muna ang contestants. Bukod sa mga artista, gusto niyang mula sa iba’t ibang larangan ang mag-guest tulad ng mga rock star, athletes, models, among others. At sana rin daw, hindi limitado sa isang network lang ang magge-guest.

He’s taking one show at a time. Sa ngayon, okey with him na dalawa lang muna ang TV show niya, “Eat Bulaga” at “Picture! Picture!”. And then after, posibleng reality show ang kasunod ng PP or bumalik siya sa “Unang Hirit” or gumawa siya ng TV special.

Kinukunsider din ni Ryan gumawa ng teleserye. But not now dahil aniya, kapag may teleserye, may mga patakaran ang GMA. Ayaw niyang magkaroon ng sumbatan.

“Masarap ang maraming shows dahil maraming kita. Puno ang bulsa. It’s nice to be a Kapuso. Kaya lang, maraming demands. Huwag sanang masamain ng ibang tao na ayaw ko nang maraming shows. First and foremost, I’m a host, a father. I want to provide for my family. I value my family time. Not the quantity, but the quality (time) I spend with my family,” pahayag ni Ryan.

ROCCO NacinoBuwis-buhay
Blessed year kay Rocco Nacino ang 2013. Sunud-sunod ang projects ng GMA Artist Center talent at aniya, sobrang thankful siya sa lahat ng pagkakataong dumarating sa kanya.

Recently, ang political drama series niyang “Bayan Ko” ay pinarangalan sa Philippine Quill Awards for Excellence at nagwagi naman bilang best drama series sa 2013 Catholic Mass Media Awards. Natapos na rin ni Rocco ang “Pedro Calungsod: Batang Martir,” entry sa 2013 Metro Manila Film Festival.

Sa isang eksenang kinunan sa Zambales ay buwis-buhay siya, ayon kay Rocco. Nag-shoot sila sa apat na bangka na walang ilaw, malakas ang alon sa dagat na 10 feet ang lalim. Halos kapusin siya sa paghinga sa pag-ahon at mabuti na lang daw, may mga nakaantabay na divers at binigyan agad siya ng oxygen.

“Ang hirap umarte. Sumakit ang ulo ko. Ang bigat pa ng sapatos ko na yaring bakya. Itinali ako sa bato na ang bigat,” kuwento ni Rocco. Sa death scene naman niya, hinubaran siya ng damit at saka sinaksak.

Ani Rocco, nag-research siya tungkol sa buhay ni Pedro Calungsod at sobrang na-touch nito ang buhay niya. Mas nakilala niya itong mabuti during the shoot of his biofilm.

Bukod sa “Akin Pa Rin ang Bukas” with Lovi Poe, soon ay mapapanood din si Rocco bilang host ng “Out of Control,” reality show ng GMA7. Mainstay din siya sa “SAS” (Sunday All Stars).

Lalabas na
Lalabas na mamaya sa “Adarna” si Kylie Padilla bilang Ada. Nagtatrabaho si Janelle (Chynna Ortaleza) sa Sporting Goods Company (SGC) ni Mago Salva (Geoff Eigenmann), isang sikat na athlete na hinahangaan ni Ada at ng kaibigan niyang si Mikay (Ryza Cenon).

May taping sa bagong branch ng SGC sa Quaipo at nakiusap si Ada kay Janelle kung pwede silang manood ni Mikay. Ipapahiya siya at ipagtatabuyan ni Janelle. Sa hindi inaasahang pagkakataon, magkakauntugan sina Ada at Mago.

comments