Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Angelica, yes agad pag inalok ng kasal

Angelica, yes agad pag inalok ng kasal

WYN Marquez

LUCKY na in love, lucky pa rin sa career si Marian Rivera. Saan ka pa? Nanalong best drama actress ang Kapuso Primetime Queen sa nakaraang Star Awards for TV ng PMPC (Philippine Movie Press Club) for her performance in “Temptation of Wife” (TOW).

Nominated naman si Marian sa Asian TV Awards for best actress in a drama series para rin sa TOW. Sana, manalo rin siya. Hindi pa lang matiyak ni Marian kung makakapunta siya sa Awards Night na gaganapin sa Singapore. Depende raw ’yun sa desisyon ng GMA Network.

Ini-encourage siya ni Dingdong Dantes na pumunta dahil iba raw ang pakiramdam kapag ’andu’n siya mismo sa Gabi ng Parangal. Manalo, matalo, isang malaking karangalan na nominated siya sa Asian TV Awards, ayon kay Marian.

Parehas na sila ngayon ni Dingdong na may acting award. Best actor si Dingdong sa Metro Manila Film Festival in 2011 for “Segunda Mano” and “One More Try” in 2012.

Going strong pa rin ang relasyon ng Kapuso Primetime King and Queen. ’Kasuwerte naman talaga ni Marian na sunud-sunod din ang endorsements at may bago pang primetime teleserye sa GMA7 kung saan si Alden Richards ang kanyang leading man. Wala pa itong final title kung “Catarina” O “Catalina.” Karugtong pa rin daw ang “Ang Pinakamagandang Babae sa Ibabaw ng Mundo .”

Certified Kapuso na
Did we hear it right na Wyn Marquez na ang gagamiting screen name ni Winwyn Marquez? Gusto raw kasi ng GMA na i-build up siya bilang isang serious actress. Tunog-pambatang pangalan kasi ang Winwyn.

Kamakailan ay pumirma si Wyn ng 3-year exclusive contract sa GMA, kaya certified Kapuso na siya. Present sa contract-signing sina GMA chairman & CEO, Atty. Felipe Gozon, GMA Entertainment TV’s Officer-in-Charge Lilybeth Rasonable, GMA Asst. VP for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara, GMA Asst. VP for Corporate Communications Angela Javier-Cruz, Program Manager for ETV Charles Koo at Mercator Artist & Model Management, Inc., President Jonas Gaffud (Wyn’s manager).

Hindi lang magaling sumayaw si Wyn. Napansin din ang acting niya sa “Amaya” at sa “Dormitoryo.” Sa mga susunod niyang projects sa GMA, mas mahahasa pa ang talento niya sa pag-arte.

Sobrang happy and proud naman si Wyn na bahagi na siya ng GMA family. Noon pa man ay may offer na sa kanya ang ibang network. Pero ayaw niyang iwan ang GMA. For the past three years, ito ang itinuring niyang home studio. Naghintay siyang mabigyan ng network contract.

Yes agad
Sa Korea nag-celebrate ng kanyang 27th birthday si Angelica Panganiban with John Lloyd Cruz. Nasa marrying age na ang aktres at aniya, kapag niyaya siyang pakasal ni JLC, yes agad siya. Handa na rin kayang iwanan ng aktor ang pagka-binata?

Six years ang naging relasyon noon nina Angelica at Derek Ramsay. Inasam ng aktres na alukin siya ng kasal ng aktor na hindi nangyari. Sana this time, huwag mabigo si Angelica kay John Lloyd. She’s not getting any younger at huwag naman sanang umasa sa wala si Angelica.

Mahal pa rin
This week sa “Genesis,” babarilin ni Paolo si Isaak. Aaminin ni Raquel kay Paolo na mahal pa rin niya si Isaak. Nasagip si Isaak ng kuwintas na ibinigay sa kanya ni Helen.

Itatakas niya sina Helen, Tolits, Raquel at Osie. Makikita ni Osie na magkayakap sina Isaak at Raquel. Gusto na sanang sabihin ni Raquel na si Isaak ang tunay nitong ama. Pipigilan siya ni Isaak at baka raw lalong maguluhan ang bata.

Makikipag-deal si President Sandra kay Jill Galvez at isasama niya ito sa Project Genesis kung tutulungan siya nitong mahuli si Ramona.

comments