Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Luis all eyes & ears kay KC

Luis all eyes & ears kay KC

LUIS ManzanoTNG

by Rowena Agilada

WISH granted ang panalo ni Luis Manzano bilang Best Game Show Host for “Deal or No Deal” sa nakaraang PMPC Star Awards for TV. ‘Yun na lang kasi ang kulang sa mga award na napanalunan niya bilang host. Nanalo na siya bilang Best Male TV Host, Best Male Showbiz-Oriented Host, Best Male Reality Search Host, Best Male Talent Search Host.

Like father, like son dahil magaling din ang kanyang daddy Edu (Manzano) na multi-awarded host. Idol niya ito, ayon kay Luis. Edu must be really very proud of his son. And of course, Governor Vilma Santos-Recto (Luis’s mom).

Time out muna si Luis sa love life at gusto niyang magpayaman pang lalo bago siya mag-settle down. Aniya, ang susunod na girlfriend niya after he broke up with Jennylyn Mercado ang pakakasalan na niya. Deadma si Luis sa mga nagnanais na magkabalikan sila ni Angel Locsin at sa mga nagrereto sa kanya kay KC Concepcion.

May nakapagtsika sa aming noong PMPC Star Awards Night, all eyes and ears si Luis kay KC sa acceptance speech nito sa panalo nito bilang Best Drama Supporting Actress for “Huwag Ka Lang Mawawala.” Sabay raw umalis sina Luis at KC pagkatapos ng Awards Night.

Ryzza & BimbyTNG

Curious
Sina Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon at Bimby Yap ang mga bida sa “My Little Bossings.” Pero mas maraming write-ups sina Ryzza at Bimby. Okey lang at hindi isyu ‘yun kay Vic. Alam niyang plus factor ang dalawang bagets para makahatak ng mga manonood. Curious ang moviegoers sa first movie ni Bimby, lalo pa’t anak siya nina James Yap at Kris Aquino. Kung nakakaarte nga ba ang bagets.

Curious din ang moviegoers sa mga eksenang magkasama sina Bimby at Ryzza na isang Inglisero at sosyal ang dating, samantalang masang-masa naman si Ryzza. Ikinuha pa ni Kris ng sariling stylist si Bimby.

Official entry ang “My Little Bossings” sa 2013 Metro Manila Film Festival at ipinagpe-pray ni Kris na maging top grosser ito. May special participation si Kris na co-producer din sa MLB. Produced ito ng M-Zet Productions ni Vic Sotto.

Break na
Hindi problema kay Ryza Cenon kung ipinagbabawal ni direk Ricky Davao ang pagdalaw ng boyfriend o girlfriend sa set ng “Adarna.” Break na si Ryza and her long-time BF na musikero.

Kikay ang karakter ni Ryza bilang Mikay sa “Adarna.” Best friend niya si Ada (Kylie Padilla). Produkto ng “Starstruck 1” si Ryza na parati na lang supporting role ang ibinibigay sa kanya. Joke pa niya, Pambansang Guest din siya sa mga teleserye. Ani Ryza, okey lang kung wala pa siyang lead role. Pana-panahon lang daw ‘yun. “Basta may trabaho, go lang nang go,” she said.

May comment nga pala ang viewers ng “Adarna.” Bakit daw tinatakpan ang kalahating mukha ni Kylie ng mahaba niyang buhok? Wala naman sa karakter niyang may peklat siya, kundi kuba siya. Para raw si Divina Valencia si Kylie. Noong kapanahunan nito, natatakpan ng buhok ang isang mata dahil may malaking pilat.

This week sa “Adarna,” magre-resign si Ada sa trabaho dahil pinagbibintangan siyang nagnakaw ng mga gamit ni Migo. Siniraan kasi siya ni Janelle dahil nagseselos ito sa magandang trato ni Migo kay Ada.

Na-guilty si Migo na hindi niya naipagtanggol si Ada. Papayuhan siya ng kanyang mommy Geraldine na kausapin si Ada at mag-sorry siya sa dalaga. Natuklasan ni Migo na ang janitor ang nangangalikot ng mga gamit sa locker room.

Pakikiusapan niya si Adang bumalik na sa trabaho nito. Malala na ang sakit sa puso ni Geraldine at makikiusap si Migo kay Ada na pagalingin nito ang kanyang mommy. Tatanggi ang dalaga dahil ayaw niyang sirain ang pangako sa kanyang ina.

comments