Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Anne’s image as endorser marred by club scandal?

Anne’s image as endorser marred by club scandal?

ANNE Curtis

ANO kayang reaction ni Angelica Panganiban sa sinabi ni Anne Curtis na addict daw si John Lloyd Cruz? Sinampal pa ni Anne si John Lloyd. Palampasin kaya ’yun ni Angelica o resbakan niya si Anne?

Tahimik lang ang aktor sa nangyaring insidente. Sino naman kaya ang taong binanggit ni Anne sa kanyang Twitter account na diumano’y nagsimula ng gulo dahil sa maling inasal nito? Ayaw namang idetalye ni Anne ang mga pangyayari dahil ayaw raw niyang sirain ang pangalan nito. May kinalaman kaya du’n si John Lloyd?

Pinagmalditahan at sinampal din ni Anne si Phoemela Barranda. Kaya raw niyang bilhin ito and her friends pati ang club kung saan nangyari ang pagwawala ni Anne. Grabe palang malasing si Anne. Lumalabas ang pagka-maldita. Bait-baitan pa naman ang image niya. Looks can be deceiving, indeed!

Baka naman may matinding dahilan kaya nasampal niya sina John Lloyd, Phoemela at JR Isaac?

Ano naman kaya ang magiging epekto ng pagwawala ni Anne sa kanyang mga endorsement? Di ba dapat wholesome image ang role model? Ano naman kaya ang reaction ng Kapamilya Network at ng Viva Films sa ginawang pagwawala ng talent nilang si Anne?

DENNIS Trillo

Klik
Mainit na mainit pa rin ang pagtanggap sa tandem nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez. From what we gathered, klik na klik sila sa “My Husband’s Lover” concert nila na ginanap sa New Jersey, USA. Grabe raw ang tilian ng audience kina Tom at Dennis.

Pinalakpakan din daw si Carla Abellana, pero hindi kasing-init ng pagtanggap ng audience kina Tom at Dennis. Pagkatapos ng kanilang US concert tour, babalik sa Pilipinas si Tom. Pero ilang araw lang siya mananatili rito at babalik siyang muli sa USA para doon mag-Pasko kapiling ang kanyang pamilya sa Arizona, USA.

Simple dinner
Ang PPL Talent Management ni Perry Lansigan ang unang nagpa-Christmas party for the movie press. Simpleng dinner lang ’yun, walang raffle at games. Pero na-appreciate pa rin ng press dahil na-feel nila ang importansiyang ibinigay ng PPL.

Hindi naging dahilan ang kalamidad sanhi ng bagyong Yolanda para huwag nang magpa-Christmas Party for the movie press ang PPL. Sa simpleng pamamaraan, nairaos nila ’yun at nabigyan ng kasiyahan ang press. Sabi nga, once a year lang naman ’yun.

Dumating at nakisaya sa simple dinner ang PPL talents na sina Dingdong Dantes, Geoff Eigenmann, Gabby Eigenmann, Jolina Magdangal, Angelika dela Cruz, Rochelle Pangilinan, Max Collins at Arthur Solinap.

comments