Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Chiz on Heart’s sexy photos: ‘Maganda at sosyal’

Chiz on Heart’s sexy photos: ‘Maganda at sosyal’

Heart Evangelista and Vice Ganda

by Rowena Agilada

SI Heart Evangelista ang 2014 Tanduay calendar girl at hindi maiwasang ikumpara ang sexy photos niya kay Marian Rivera na 2014 Ginebra San Miguel calendar girl. “Oh, my God, I’m tired of that!” ani Heart. “Pero siguro nothing else can get worse than my parents going out in a presscon. That was the worse and after that, all of these things don’t matter anymore. As in talagang not at all. I don’t care!

“It took me a lot of guts to show more of myself. If people don’t like it, I’m not here for anybody to like me. But if you like me, wow, thank you talaga,” pahayag ni Heart.

Ano naman ang reaction ng boyfriend niyang si Senator Chiz Escudero sa sexy photos niya? “He’s very open to those things. Happy siya sa lumabas na layout. Maganda raw at sosyal (laughs). Natuwa naman siya,” ani Heart.

Apat ang sexy photos ng Kapuso actress bilang 2014 Tanduay calendar girl at ani Heart, kinabahan siya noong photo shoot. “Shy person kasi ako at hindi ako sanay magsuot ng bikini. Happy ako noong nakita ko ang layouts. I’m flaterred to be chosen as Tanduay calendar girl.”

Dream come true
Dream come true kay Vice Ganda na nagkatrabaho sila ni Maricel Soriano sa “Girl, Boy, Bakla, Tomboy (GBBT),” entry ng Star Cinema sa 2013 Metro Manila Film Festival. Ayon kay Vice, idol niya ang Diamond Star at big fan siya nito. “Dream come true talaga at itse-cherish ko ito forever. Sobra ang bonding namin ni Maricel sa pelikulang ito. Marami akong natutunan sa kanya,” wika ni Vice.

Magkalaban ang filmfest entries nila ni Kris Aquino bagama’t special participation lang ito sa “My Little Bossings.” Mukhang gagawin lahat ni Kris para mag-top-grosser ito na pinagbibidahan ng anak niyang si Bimby Yap, kasama sina Ryzza Mae Dizon at Vic Sotto.

Ayon kay Vice, okey na sa kanya kung magna-No.2 ang GBBT. “Pero siyempre, mas magiging masaya ako kung magna-No.1 kami,” aniya. Apat ang karakter niya at ayon kay Vice, nahirapan siya sa role na tomboy. “Ano kasi, kahit kilos lalaki ako, kailangan may body movement pa rin akong gaya ng isang babae,” saad ni Vice.

Ayos na!
Feeling ni Dominic Roco, nabunutan siya ng tinik sa dibdib, since nagkabati at nagkaayos na sila ng kanyang daddy Bembol. Months ago lang sila nagkabati, ayon kay Dominic nang nakausap namin sa taping ng “Magkano Ba ang Pag-ibig?” sa Sta. Cruz, Laguna. Aniya, kailan lang ay nagkita sila ng kanyang daddy. Wala nang galit sa dibdib niya.

“Tumatanda na ako. Forgive and forget na lang. Magaan na sa dibdib ang pakiramdam ko ngayon.” Looking forward si Dominic na magkatrabaho silang muli ng kanyang daddy. Nagkasama sila sa “Sisid” three years ago pa. Para kay Dominic, biggest role niya ever ang ginagampanan niya sa “Magkano Ba ang Pag-ibig?” He plays Bobby na isang retarded at aniya, noong mga first taping days nila’y nahihirapan siya. Kinakabahan siya at three weeks siyang nangapa sa kanyang role.

“I’m happy na okey naman ang feedback sa pagganap ko bilang retarded. Minsan, after ng take namin, in character pa rin ako sa set o hanggang pag-uwi ko ng bahay (laughs),” ani Dominic.

comments