Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Dominic Roco: Okay for mom to find new love

Dominic Roco: Okay for mom to find new love

KATRINA HaliliTMNby Rowena Agilada

THREE years from now, gustong magpakasal ni Katrina Halili kay Kris Lawrence. She’s 27 years old now, at ani Katrina, hindi naman kailangang madaliin ang pagpapakasal nila. Okey ang relasyon nila ni Kris. Mutual decision nilang huwag muna silang magpakasal kahit may baby na sila, si Katie.

Hindi sila nagli-live-in ni Kris, ayon kay Katrina, Neighbors sila sa New Manila, QC at walking distance lang ang pagitan ng mga bahay nila. Si Jay-R ang kasama ni Kris sa bahay nito, ayon pa kay Katrina.

“Marami akong gamit sa bahay ko. Hindi na kakasya ang mga gamit ni Kris. Siya ang nagpupunta sa bahay ko para makita o magalaga sa baby namin,” sabi ni Katrina nang nakausap namin sa taping ng “Magkano Ba ang Pagibig?” sa Sta. Cruz, Laguna.

Good provider si Kris sa baby nila, ayon kay Katrina. He buys milk, diapers at iba pang pangangailangan ng baby nila. “For now, hindi pa siya bumibili ng gatas at diapers dahil ang dami pa nu’ng niregalo ni Marian (Rivera) noong nag-birthday si Katie,” sabi ni Katrina. Nag-one year old ang bagets last September this year.

Naglalakad na si baby Katie at nagsasalita na, pautal-utal pa nga lang, ayon kay Katrina. Pinapakain na niya ito ng gulay at paborito ng bagest ang brocolli at black rice ang pinapakain ni Katrina.

Loveless pa rin
For the longest time, loveless pa rin si Alessandra de Rossi. Last boyfriend niya si Jeremy Marquez. Ani Alex, hindi siya lumalabas ng bahay, wala siyang night life, kaya paano raw siya magkakaboyfriend? After work, uwi agad siya ng bahay.

Hindi ba siya naiinggit sa friend niyang si Heart Evangelista na kasama niya sa “Magkano Ba ang Pag-ibig?”

Ayon kay Alex, siya pa ang tagapayo nito tungkol sa pag-ibig. “Hindi naman ako credible dahil wala nga akong boyfriend (laughs),” ani Alex.

Aniya, masaya naman siya sa buhay niya. She keeps herself busy sa pagtatrabaho. Gusto raw niyang makaipon ng maraming pera. Christmas wish nga ni Alex ay maraming pera. Sana raw ay marami pang dumating na trabaho sa kanya.

Dream role niya ang makaganap bilang isang magandang babae o kaya ay yung malapit sa personalidad niya. “Yung normal lang. ‘Yung hindi nagpapaapi. Gusto ko ring maging director balang araw. Kaya lang, baka magalit sa akin ang mga artista ko. Sobrang perfectionist kasi ako,” lahad ni Alex.

Okey lang
Okey lang kay Dominic Roco kung makipagrelasyon ang mommy niya (Coco Artadi) sa ibang lalaki, matapos silang iwan ng kanyang daddy Bembol at ipagpalit sa ibang babae ang mommy niya.

“Kung magmamahal muli ng ibang lalaki ang mommy ko, susuportahan namin siya. Okey lang ‘yun sa aming magkakapatid. Kung saan siya masaya, go! Pero kailangang i-screen muna naming mabuti ‘yung guy,” wika ni Dominic nang nakausap namin sa taping ng “Magkano Ba ang Pag-ibig?” sa Sta. Cruz, Laguna.

Lima silang magkakapatid na isa lang ang babae. Single pa rin si Dominic at aniya, hindi naman siya naghahanap ng magiging girlfriend. Seven months ang naging relasyon nila ni Maxene Magalona and after they broke up, isang model naman ang naging GF ni Dominic.

Natawa na lang at no comment si Dominic when told na may bago na namang boyfriend si Maxene. Itinanggi naman ni Dominic na nagkaroon sila ng “something” ni Sheena Halili noong nagkatrabaho sila sa “Indio.” “Wala ‘yun! Friends lang kami ni Sheena. Walang naganap na ligawan noon,” ani Dominic.

comments