Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Marian hindi pa handang magpakasal

Marian hindi pa handang magpakasal

MARIAN Rivera and Dingdong Dantes

WALA munang regalo sa isa’t isa ngayong Pasko sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Napag-usapan nila ’yun, ani Marian nang nakatsikahan namin sa thanksgiving party cum get-together niya sa entertainment writers. Kanya-kanya muna silang destination sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Si Dingdong sa kanyang Yes Pinoy Foundation at si Marian sa kanyang Adopt a Bangka project. Hindi pa rin nila napag-uusapan kung saan sila magse-celebrate ng Christmas.

Wala pa rin sa agenda nila ang pagpapakasal at ani Marian, hindi pa siya handa. “Hindi biro ang kasal. Hindi ako kulang sa pangaral ng nanay at lola ko. Pag nagpakasal ako, ang kasunod nu’n, magiging nanay na ako. Hindi pa ako handa. Pag buung-buo na ang desisyon ko, ’yun na, magpapakasal na ako.

“Marami pa akong gustong gawin. Lahat naman ng babae, pangarap ikasal. In time, pag handang-handa na ako, sasabihin ko sa inyo. Hindi ko ’yun ililihim,” pahayag ni Marian.

Nagulat pa ang Kapuso Primetime Queen nang may nagbanggit na magpapakasal na si Karylle (ex-girlfriend ni Dingdong Dantes) kay Yael Yuson (ng Spongecola) sa March 2014. “Yehey! Ikakasal na siya. Masaya ako para sa kanya,” ang tanging nasabi ni Marian.

MARTIN Escudero and Solenn Heusaff

Makahulugang ngiti
Ang ganda ng ngiti ni Martin Escudero nang tanungin namin ito tungkol sa kanila ni Rufa Mae Quinto. May tsika kasing diumano’y may namamagitang “something” sa kanila. Aniya, magkasama lang sila sa isang TV show at naging close sila. Nababaitan at naseseksihan daw siya kay Rufa.

Kahit ano’ng pang-eeklay ang gawin ni Martin, feeling namin, parang may “something” sila. Iba kasi ’yung ngiti ni Martin, nagningning ang mga mata niya nang banggitin namin ang pangalan ni Rufa. When asked kung posible bang ma-in love siya sa isang older girl, “Why not? Age doesn’t matter (laughs),” sabi ni Martin.

Attracted din daw siya kay Solenn Heussaff na nakatrabaho naman niya sa pelikulang “Mumbai Love.” Ten days sila nag-shoot sa India at naiba ang impression niya sa dalaga. Tingin daw niya kasi kay Solenn, sobrang sosyal ito at parang mahirap abutin. “Cowgirl pala siya. Very down-to-earth. Walang kaarte-arte at very professional sa trabaho. Wala siyang reklamo. Masarap siyang katrabaho,” lahad ni Martin.

Hindi nga lang daw niya napormahan si Solenn dahil may boyfriend na ito. Martin swears single siya since he and Jennica Garcia broke up five years ago or so.

Nagbatian kaya?
Curious lang kami kung nagkailangan kaya sina Kris Bernal at Kylie Padilla noong pareho silang nag-guest sa “Celebrity Bluff” last Saturday (Dec. 7)? Guests din sina Aljur Abrenica, Geoff Eigenmann, Janine Gutierrez at Elmo Magalona. Hindi nagbatian sina Kris at Kylie. Curious lang kami kung magkakasama ba sina Kris, Kylie at Janine sa isang dressing room bago nag-take ng CB. Nagbatian kaya sina Kris at Kylie off-camera?

In any case, happy naman si Robin Padilla for his daughter dahil sa magandang project na ibinigay ng GMA7 kay Kylie. Ani Robin, dream come true kay Kylie ang role nito sa “Adarna” at may mga action scene ito. Nagagamit ni Kylie ang napag-aralan niya sa mixed martial arts.

Mamaya sa “Adarna,” itatago ni Falco si Ada sa isang kuweba. Sasakit ang likuran ni Ada, hudyat nang nalalapit niyang pamumukadkad. Bihag ni Garuda sina Lupe at Talisay. Para mawalan ng kapangyarihan bilang Adarna, pinainom ni Garuda si Lupe ng itim na likido.

Sa mundo ng mga tao, pilit pa ring hinahanap ni Migo si Ada. Tutulungan siya ng ibong si Bonnie para mahanap si Ada.

Sa pagtakas ni Falco kay Ada mula kay Heron at sa mga tauhan nito, papanain si Falco. Lalabas ang mga pakpak ni Ada para iligtas si Falco.

comments