Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Shaina on Piolo: ‘Friends lang kami’

Shaina on Piolo: ‘Friends lang kami’

SHAINA MagdayaoBLOOMING si Shaina Magdayao kahit loveless. Mukhang totally naka-recover na siya sa break-up nila ni John Lloyd Cruz. Aniya sa presscon ng “Pagpag, Siyam Na Buhay,” okey na sila ni JLC. Civil sila sa isa’t isa kapag nagkikita sila. Na-let go na niya ang negativity sa sarili niya.

Aniya, good year sa kanya ang 2013 at wish lang niyang magpatuloy pa ito sa pagpasok ng 2014. Trabaho, pamilya at sarili na lang muna niya ang aasikasuhin niya. Hindi naman niya isinasara ang puso niya sa tawag ng pag-ibig. “Kung may darating, darating. Kung wala, maghihintay pa rin ako,” she said.

What about Piolo Pascual na nali-link sa kanya? Ani Shaina, kagagaling lang nila sa London at nag-show sila roon kasama sina Enchong Dee at Pooh. ’Andun din daw si Gretchen Barretto. Ayon kay Shaina, friends lang sila ni Piolo at walang ligawang nagaganap. If ever daw, hindi siya magde-deny.

Anang Kapamilya actress, mabuting tao si Piolo at hindi ito kadeny-deny. Kaya lang daw, ipinagdarasal niya na huwag muna siyang pumasok sa panibagong relasyon, pagdidiin ni Shaina.

Stage wife and mother
Umiral na naman ang pagiging stage wife and mother ni Angeli Pangilinan-Valenciano. Nag-email siya sa amin at ibinalitang gumawa ng super selfie series ang mag-ama niyang sina Gary at Gab Valenciano.

Dinalaw nilang mag-asawa si Gab sa Florida, USA bago ang fund-raising concert ni Gary sa Miami. Nasa Florida, USA si Gab at nag-aaral sa Full Sail University. Ang selfie series nina Gary at Gab ay kinunan ng huli sa rumpus room ng mommy ni Gary, ayon kay Angeli. Ipinalabas ito sa “Good Morning America,” isang TV show sa Miami.

Nagpo-produce raw si Gab ng mga video once in a while in between producing and arranging the supahdance numbers in “ASAP 18.” Nag-aaral din si Gab ng recording arts sa Florida.

And more
Mamaya sa “Adarna,” nais sagipin ni Ada si Falco nang nakita niyang parang gigilitan ito ng leeg ni Heron (JC Tiuseco). Ngunit naalala niya ang bilin ni Falco, kaya tumakbo na lang siya papalayo. Patuloy si Lupe sa paghahanap kay Ada. Mamamasukan siya sa isang karinderya. Dinala ni Heron si Falco kay Garuda. Iniharap naman niya ito sa Punong Orakulo.

Mapipikon si Garuda sa mga matatalinhagang salita ng Orakulo dahil hindi niya ito maintindihan. Makakarating na si Ada sa mundo ng mga tao. Magkikita na sila ni Migo.

Paigting naman nang paigting ang mga kaganapan sa “Genesis” sa nalalapit na pagtatapos nito. Mabawi pa kaya ni Isaak ang anak na si Oshie mula kay Paolo (TJ Trinidad)? Kung kailan pa kinilala na ni Oshie si Isaak na tunay nitong ama, saka naman nagkalayo ang mag-ama.

Paano na si Raquel? Mahanap kaya siya ni Isaak? Magtagumpay kaya si Ramona na mapasama siya at ang kanyang grupo sa Project Genesis ni President Sandra? Tutok lang gabi-gabi sa “Genesis” pagkatapos ng “Adarna” sa GMA7.

Kahit simpleng Christmas lunch lang with the movie press ang ginawa ng GMA7, well-appreciated ’yun. Ipinakita at ipinaramdam ng Kapuso Network ang pagpapahalaga sa movie press sa suporta ng mga ito sa kanilang mga programa.Ani outgoing corporate communications head na si Butch Raquel, napagdesisyunan nilang i-donate sa mga biktima ng bagyong Yolanda ang perang nakalaan sana sa Press Christmas Party.

Wala mang bonggang-bonggang Christmas party gaya ng mga nakaraang taon, at least, hindi binale-wala ng GMA ang movie press.

comments