Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Marian, nagpaseksi sa Thailand

Marian, nagpaseksi sa Thailand

MARIAN Rivera

Nagwakas na kagabi ang “Genesis” na ayon kay Dingdong Dantes, isa sa mga hindi niya makakalimutang karanasan while doing the series ay naipakita niya na sa kabila ng maraming pagsubok , bandang huli’y namayani pa rin ang tagumpay.

“Sa “Genesis,” naipakita natin ang resiliency ng Pilipino kung paano bumangon kahit ano pang pagsubok na dumarating sa buhay. Naipakita rin na ang pagmamahal sa ating bayan, sa ating kapuwa, sa pamilya ay nangingibabaw.

“Hindi ko makakalimutan ang buong cast and crew. Nakita ko ‘yung hardwork at dedication ng bawat isa to make the program successful. Isa sa mga natutunan ko’y lahat ng bagay ay merong hangganan. Kaya dapat ay magpasalamat tayo parati sa pang-araw-araw na buhay natin,”pahayag ng Kapuso Primetime King.

Naipost ng aktor sa kanyang Instagram account na principal dealer siya ng Hyundai motor vehicles. May business partner siya rito. Recently ay ginanap ang opening ng branch nito sa Paranaque West kung saan guest si Marian Rivera.

By June next year, sa pamamagitan ng kanyang Yes! Pinoy Foundation ,magdadala si Dingdong ng mga bagong upuan at desks para sa 3,303 students sa mga paaralan sa Estancia, Iloilo. A few weeks ago, nagpunta roon si Dingdong at namahagi ng relief goods sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

FHM-Thailand cover girl
Kabogera ngayong taong ito si Marian Rivera. Nanalo siyang Best Actress sa PMPC Star Awards for TV para sa “Temptation of Wife,” Pinoy Female Celebrity ng Taon mula sa Pexer’s Choice Awards at Makabata Award mula sa Anak TV.

Tinanghal siyang Sexiest Woman of the World ng FHM Philippines. Last month, ini-launch siya bilang 2014 Ginebra San Miguel calendar girl.

Noong Christmas Day, nag-post si Marian sa kanyang Instagram account na siya ang cover girl ng FHM-Thailand para sa 2014 January issue nito. To quote her, “Whooaw! I’m at the cover of Thailand’s FHM January 2014. I am so honored.” Dagdag ganda points na naman ito sa GF ni Dingdong Dantes na sobrang proud bilang boyfriend ni Marian.

Babalik na?
Hudyat na kaya ng pagbabalik sa “Eat Bulaga” ni Wally Bayola ang mini-concert nila ni Jose Manalo sa naturang noon time show?Kasama nilang nag-perform si Ryzza Mae Dizon .

Napanood namin si Wally noong Thursday (December 26) na akala namin live performance niya. Pre-taped pala o replay ba ‘yun? Balitang diumano, babalik na si Wally sa EB sa January next year. Hindi kaya sa New Year’s presentation ay mapanood na ng live si Wally? Abangan!

Blue Christmas
Ang lungkot naman ng Pasko ni Ara Mina. Mismong araw ng Pasko pumanaw ang kanyang lolo , former QC mayor Ishmael “Mel” Mathay, father ng daddy niyang si former congressman Chuck Mathay. Atake sa puso ang ikinamatay ng lolo ni Ara.

Dagdag na lungkot kay Ara ay hindi niya ito nakasalo noong noche buena . Hindi niya akalaing huling noche buena na pala ‘yun ng kanyang lolo. Hindi nakapunta si Ara sa bahay ng kanyang lolo dahil kalalabas lang niya ng ospital. Nagka-allergy kasi siya.

Christmas Day sana siya pupunta sa bahay ng kanyang lolo. Sadly, inatake ito sa puso at isinugod sa hospital. Doon ito binawian ng buhay sa edad na 81. Nakaburol ang labi ng kanyang lolo Mel sa Christ the King church sa Green Meadows. Our condolences kay Ara at sa naiwang pamilya ng kanyang lolo.

Replay
Replay ang mapapanood na episode ng “Magpakailanman” ngayong Sabado. Pinamagatang “The Nanay Silveria Story,”tampok sina Jean Garcia, Kristoffer Martin, Julian Trono at Chynna Ortaleza. Mula sa direksiyon ni Gina Alajar.

comments