Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » April Boy, Glenda cancer-free na

April Boy, Glenda cancer-free na

APRIL Boy Regino

PAREHONG cancer-free na sina April Boy Regino at Glenda Garcia. Na-diagnose na may prostate cancer si April Boy, samantalang may breast cancer naman si Glenda. Inamin ni April Boy, muntik na siyang sumuko at nawalan na siya ng pag-asang gagaling pa.

Tinigilan na niya ang pag-inom ng mga gamot. Pero dahil sa malaking pananalig niya sa Diyos, gumaling siya. Ganito rin ang sinabi ni Glenda. Ang malaking pananalampataya raw niya sa Diyos ang himalang nakapagpagaling sa kanya.

GLENDA Garcia

Na-diagnose na Stage 2 ang kanyang breast cancer. Nakailang chemotherapy sessions siya at hindi birong sakit ang naranasan niya. Nalugas ang mga buhok niya at nakalbo siya. Pero hindi siya bumibitiw ng pananalig sa Diyos. Taimtim siyang nagdarasal.

Ang pinagdaraanan ngayon ni Glenda ay naranasan na rin ng mga breast-cancer survivors na sina Joey Albert, Maritoni Fernandez at Bibeth Orteza.

Sharon Cuneta

Consistent
Consistent talaga si Sharon Cuneta sa pag-alala sa entertainment press tuwing Pasko. Walang palya ang megastar sa pagpapadala ng kanyang Christmas gift. Ilang dekada nang ginagawa ’yun ni Sharon na sulat-kamay niya mismo ang dedication na nakalagay sa makasaysayang Christmas card na natatanggap namin. Salamat, mega. Ikaw na talaga!

Effort kung effort talaga si Sharon. Hindi niya ginawang dahilan ang bagyong Yolanda para deadmahin niya ang entertainment press. Kahit nag-donate pa siya ng P10 million sa Yolanda victims.

Consistent din si Sharon sa pag-alala sa entertainment press tuwing Valentine’s Day. Nagpapadala siya ng chocolates. Sobrang thoughtful ang megastar. At kahit matagal na niyang hindi nakikita ang isang reporter, pag nakita niya, tandang-tanda pa rin ni Sharon ang pangalan at mukha. ’Yung ibang artista, kahit ilang beses nang naipakilala sa reporter at nainterbyu, waley pagka-remember na parang may alzheimers na.

Kapuso pa rin kaya?
Mag-e-expire this month ang kontrata ni Dennis Trillo sa GMA Network. Wala pa kaming balita kung magre-renew siya ng kontrata o lilipat ng ibang network.

Wish lang ng fans and supporters ni Dennis na manatili siyang Kapuso. Wish din nilang magkaroon ng Part 2 ang “My Husband’s Lover” para magkasama silang muli ni Tom Rodriguez. Hanggang ngayon, may TomDen fanatics pa rin.

May mga nagwi-wish naman na pagsamahin daw sana muli sa isang project sina Dennis at Jennylyn Mercado. The last time na nakausap namin si Jen, sinabi niyang okey na sila ni Dennis. Nagbabatian na sila ng “Hi!” “Hello!” at nag-bebeso-beso pa sila kapag nagkikita sila sa “SAS” (Sunday All Stars).

Hindi na sila nag-iiwasan, ayon pa kay Jen. Aniya pa, walang problema kung magkatrabaho muli sila ni Dennis. Eh, si Dennis kaya, willing na rin ba siyang makatrabaho ang kanyang ex-girlfriend? Ano’ng malay natin, baka maibalik pa nila ang nakaraan? Single ngayon si Dennis kung paniniwalaan ang claim niya. Single rin ngayon si Jen. Pero aniya, ayaw pa niyang magpaligaw at sinusungitan niya ang mga nagtatangka.

comments