Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Kris turning Kapatid or Kapuso?

Kris turning Kapatid or Kapuso?

KRIS Aquino and Toni Gonzaga

MAGIGING Kapatid o Kapuso na kaya si Kris Aquino? Malakas ang bulung-bulungan na diumano’y wala nang makakapigil kay Kris na iwan ang Kapamilya network. As of press time, wala pang official announcement ang TV5 at ang GMA7 kung lilipat sa kanilang estasyon si Kris. Hopefully, pagbalik niya mula sa London, kung saan nag-New Year silang mag-iina (sons Joshua and Bimby), may pahayag na si Kris.

From what we gathered, most likely raw ay sa GMA lilipat si Kris. Diumano’y nagkausap na sila ni Atty. Felipe Gozon. Diumano pa ri’y ipinagbili na ni AFG kay Mr. Manny Pangilinan ang share nito sa Kapuso network. Si Gozon ang president at CEO ng GMA. Ayon pa sa tsika, pagbalik ni Kris, si MVP naman daw ang kakausapin niya.

Kung sa GMA lilipat si Kris, may ispekulasyong baka siya ang ipalit na president at CEO ng network. Sa isang interbyu, sinabi niyang gusto niyang maging presidente ng isang network. What Kris wants, Kris gets, di ba naman?

Balik-GMA lang siya if ever dahil doon siya unang nagkaroon ng show. Una siyang lumabas sa “GMA Supershow” ni German Moreno. Naging host din si Kris ng isang showbiz-oriented show with Boy Abunda. Then, magkasunod o (sabay ba?) silang lumipat sa ABS-CBN.

Ispekulasyon
Magkasamang nag-celebrate ng New Year sa New York sina direk Paul Soriano at Toni Gonzaga. Silang dalawa lang kaya? Kung sila lang, shocking ang balitang ito. Hindi ba’t hindi pinapagayan ng kanyang mommy Pinty si Toni na sumamang mag-isa lang kay direk Paul whether here or abroad? Parating may chaperon si Toni.

Hindi rin siya pinapayagang mag-overnight stay kapag may out-of-town show siya, kasama ang kanyang boyfriend, kahit pa may chaperon siya. Kailangang bumalik agad sila sa Manila.

Turning 30 this month si Toni. Hindi kaya birthday gift sa kanya ng mommy Pinty niyang payagan na siyang sumama kay direk Paul? May ispekulasyon namang baka raw magpapakasal na sina Toni at direk Paul. O, baka raw nag-propose na ito ng marriage kay Toni sa New York? Hindi kaya?

Holiday vacation
Maraming showbiz couples ang nag-Holiday vacation abroad. Sina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo sa London. Sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Vietnam at Hong Kong, Anne Curtis at Erwan Heussaff sa Canada kasama si Isabelle Daza and her non-showbiz BF. Sa Argentina naman si Solenn Heussaff and her Argentinian BF. Panay nga ang post ni Solenn ng photos nila sa kanyang Instagram account.

Sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ay nasa US. Sa Thailand naman sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban.Sa Dubai si Jodi Sta. Maria with her son Thirdy at ewan lang kung kasama si Cavite Vice Governor Jolo Revilla. Sa Australia sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez with their son Nate.

Sa Singapore at Malaysia si Angel Locsin na diumano’y kasama ang bagong boyfriend, isang politician from the North. Pero sa mga ipinost niyang pictures sa kanyang Instagram account, ang pamilya niya ang kanyang kasama.Wala ang sinasabing diumano’y BF niyang politician.

Sina Xian Lim at Kim Chiu ay dito lang sa Pilipinas. Sa ipinost na picture ni Kim sa kanyang Instagram account, kasama ng pamilya niya si Xian noong New Year’s Eve or was it New Year’s Day? Ipinost pa ni Kim ang picture ng isang butterfly sa kanilang ceiling na pinaniniwalaan niyang mommy niya. Nakatapat daw kasi ang butterfly sa ibabaw ng picture ng mommy niya at matagal-tagal din ’yung nanatili sa bahay nila.

Kambal na lihim
Tampok ngayong Sabado sa “Magpakailanman” ang kuwento ng magkapatid na kambal, sina Aleli at Ayani. Pinamagatang “Kambal na Lihim,” alamin kung alin ang mahalaga, pag-ibig o pamilya? Tampok sina Glaiza de Castro, Mike Tan, Irma Adlawan at Pen Medina.

comments