Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Sharon hurting

Sharon hurting

Sharon Cuneta , Xian Lim and Kim Chiu

by Rowena Agilada

HAPPY birthday to Sharon Cuneta who’s turning a year older today. The past few days, nag-post sa kanyang Twitter account ng sama ng loob ang megastar sa kanyang bashers. Ramdam ang hinanakit ni Sharon.

Payo ng mga taong concerned sa kanya, kung ayaw niyang masaktan sa paninira at pambabastos ng mga taong walang magawa na gusto lang siya talagang inisin o galitin, huwag na siyang mag-Twitter, Facebook o Instagram.

May tweet din si Sharon tungkol sa isang taong feeling close sa kanya na nagmahadera sa mga iniingatan niyang kagamitan. Maski nga raw ang mga taong malalapit sa kanya, tulad ng kanyang mga pinsan, kapatid at mga kaibigan, hindi niya pinapayagang pakialaman ang mga gamit niya. Sino kaya ang taong nakialam?

Enjoy-enjoy lang
O hayan, open na si Rocco Nacino sa panliligaw kay Lovi Poe. Ang pakiyeme lang ng dalawa, wala pang label ang samahan nila ngayon at basta enjoy-enjoy lang sila sa company ng isa’t isa.

May pahayag pa si Rocco na hindi niya minamadaling sagutin siya agad ni Lovi. Willing daw siyang maghintay kung kailan handa na ang dalaga na pasayahin ang puso niya.

Obvious namang malaki ang pag-asa ni Rocco na maging “sila” ni Lovi. Otherwise, hindi siya eenterteynen ng dalaga. Sinamahan pa siya ni Lovi noong Metro Manila Film Festival Awards Night. Bokya man sa award si Rocco at ang pelikula niyang “Pedro Calungsod: Batang Martir,” kasama naman niya ang kanyang lady love na nagpapakilig ng puso niya ngayon.

Umamin na kaya?
May presscon bukas ang “Bride for Rent” at kung walang kokontra, for sure na matatanong si Kim Chiu kung siya na ba talaga ang gaganap na Dyesebel. May mga nasulat nang siya raw ang final choice ng ABS-CBN. Sa pagkaalam namin, ilan sa mga kinunsider para gumanap bilang Dyesebel sina KC Concepcion, Angel Locsin, Maja Salvador at Sarah Geronimo.

Wala pang official announcement ang Kapamilya Network kung sino talaga ang gaganap bilang Dyesebel. Pero may mga nanlalait na kay Kim. Hindi raw siya bagay maging Dyesebel dahil payatola (as in payat) at hindi boobsie (maliit ang boobs). Hindi ba may tsikang nagpa-breast enhancement si Kim?

In any case, ang “Bride for Rent” ang unang pelikulang ipalalabas this year ng Star Cinema kung saan si Xian Lim ang kapareha ni Kim. Umamin na kaya sila sa diumano’y itinatago nilang relasyon? ’Kaaliw ang trailer nito. May kilig factor. Pakikay ang karakter ni Kim na kering-keri niya. Sa Jan. 15 ang showing ng movie na dinirek ni Mae Cruz. Kasama rin sa cast si Pilita Corrales.

comments