Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Angel says she doesn’t know politician being linked to her

Angel says she doesn’t know politician being linked to her

ANGEL Locsin

by Rowena Agilada

O, hayan, nabuhayan ng loob ang mga taong umaasa pang magkakabalikan sina Luis Manzano at Angel Locsin. Mariing itinanggi ng aktres na may boyfriend siyang politician from the North. Hindi raw niya kilala ang taong ’yun at never pa silang nagkita.

Ang pamilya niya (daddy, mga kapatid at pamangkin) at ilang close friends ang kasama niya sa Asian cruise nitong nakaraang Holiday Season. Wala ang sinasabing politician-BF niya. Anang aktres, huwag nang mangdamay pa ng ibang taong wala namang kinalaman sa buhay niya.

First time ni Angel mag-Asian cruise, kaya sobrang happy siya, lalo pa’t kasama niya ang kanyang pamilya. Bonding to the max talaga sila. Ayaw raw muna niyang magkaroon ng love life. Pero kung may darating at ma-in love siyang muli, hindi niya pipigilin ang tibok ng puso niya.

Inamin ng aktres, text-text sila ni Luis Manzano pag may time. Paano naman si KC Concepcion na inirereto rin ng ibang tao kay Manzano? Dumalaw kaya ang TV host-actor kay KC noong nagkasakit ito at na-confine nang ilang araw sa hospital due to pneumonia? O, tinext kaya siya ni Luis?

ALDEN Richards

Birthday wish
Alden Richards turned 22 on Jan. 2, pero walang bonggang birthday celebration. Aniya, nagsimba lang siya sa Tagaytay. Then, nagkaroon siya ng simpleng selebrasyon kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan sa Sta. Rosa, Laguna.

Nag-charity show rin siya. Balak din ni Alden magkaroon ng simpleng birthday celebration with his showbiz friends. Aayusin lang daw niya ang kanyang schedule. Nagte-taping na kasi siya para sa bago niyang teleserye sa GMA7, ang “Carmela” with Marian Rivera.

Iniba ang itsura ni Alden para magmukha siyang mature. Iniba ang ayos ng kanyang buhok at nagpatubo siya ng bigote.

Birthday wish ni Alden, more blessings ngayong 2014 at sana raw ay huwag siyang pababayaan ng Kapuso Network.

Solenn Heussaff

Bakasyon grande
Bakasyon grande talaga si Solenn Heussaff nitong nakaraang Holiday Season. Sa Argentina siya nagbakasyon kasama ang Argentinian boyfriend niya. Araw-araw, nagpo-post ng pictures si Solenn sa kanyang Instagram account. Pinakagusto namin ’yung nasa Iguazufalls sila. Breathtaking ang views na parang nasa paraiso sila. May isang caption nga si Solenn, “The miracle nature is Iguazufalls.”

Kahit nasa bakasyon, hindi niya nakakalimutang i-promote ang pelikula niyang “Mumbai Love.” Sa Jan. 15 ang grand presscon nito at anytime soon, babalik na si Solenn sa Pilipinas para um-attend. Magkakaroon ito ng premiere night on Jan. 16 sa SM Megamall Cinema 10 at regular showing simula sa Jan. 22 sa mga sinehan nationwide. Release ito ng Solar Entertainment Corporation.

Ang former model na si Kiko Matos ang love interest ni Solenn sa “Mumbai Love” at aniya, na-starstruck siya noong una niyang nakita si Solenn sa audition. Lalo pa siyang humanga sa dalaga noong nagkatrabaho sila at nag-shoot sa India. Mabait at down-to-earth daw si Solenn. “She’s a beautiful person inside out,” ani Kiko. Aniya pa, kung wala lang BF si Solenn, liligawan niya ito.

comments