Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jennylyn to Yassi: ‘Laban nang laban’

Jennylyn to Yassi: ‘Laban nang laban’

by Rowena Agilada

JENNYLYN MercadoSA pamamagitan ng post ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account, tinapos na niya ang ispekulasyong aalis na siya sa ABS-CBN at lilipat sa ibang network. Kapamilya pa rin ang TV host at magre-renew siya ng kontrata pagdating niya mula sa Holiday vacation niya sa London.

Nakatakdang dumating ngayong araw na ito si Kris kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby. Pagdating nila, inaasahang may mga pahayag pa si Kris hinggil sa desisyon niyang manatili sa ABS-CBN.

Hindi tuloy maiwasang isipin ng ibang tao na hindi raw kaya may kung sino lang nagpakalat na aalis si Kris sa ABS-CBN para mapagusapan siya habang nasa bakasyon siya abroad? Wala raw namang magiging ispekulasyon kung walang nagpasimuno ng lipatan isyu.

Ayon pa sa ibang nakausap namin, hindi na raw bago ang ganoong scenerio. Hindi ba raw nagpahayag noon si Kris na magku-quit na siya sa showbiz?

Palaban
Malaman ang sinabi ni Jennylyn Mercado kay Yassi Pressman sa SAS (“Sunday All Stars”). “Tayong mga girls, dapat lumalaban. Laban nang laban,” ani Jen kay Yassi. Si Luis Manzano kaya ang pinasaringan ni Jen? Tulad niya, brineyk din si Yassi ni Sef Cadayona na ikinagulat din ng dalaga. First boyfriend, first heartache ni Yassi si Sef, kaya masakit.

Sa isang interbyu namin kay Jen, sinabi niyang ikinagulat niya ang pag-break sa kanya ni Luis. Nawindang siya at hindi niya inasahan ‘yun. Pinuna rin ni Jen na blooming at mas maganda ngayon si Yassi. Blooming din ngayon si Jen, sexier and lovelier. Likas naman yata sa mga babae na kapag heartbroken ay nagpapaganda para ipakita sa ex-love na may dapat itong panghinayangan o pagsisihan.

Heart EvangelistaFamily issues
Nakakalungkot na lumipas ang Pasko at Bagong Taon na hindi nagkaayos ang pamilya Barretto, Heart Evangelista and her mom, Charice and her mom. May kanyakanya silang family issues at hindi naging daan ang Kapaskuhan para sila’y magkapatawaran at magpanibagong buhay.

Balitang diumano’y balak pang idemanda si Gretchen Barretto ng kanyang sariling mga magulang dahil sa mga pahayag niya at lantarang pagkampi kay Raymart Santiago, asawa ng sister niyang si Claudine.

Tungkol naman kay Heart, hindi pa rin matanggap ng kanyang mommy ang pakikipagrelasyon niya kay Senator Chiz Escudero. Napahiya at nasaktan si Heart noong nagkita sila recently ng kanyang mommy sa isang mall. Akmang lalapitan niya ito at hahalikan, pero pinigilan siya nito. Tila nasira ng mommy ni Heart ang kasabihang, walang magulang na kayang tiisin ang anak. Baka naman kulang pa sa effort si Heart para mapalambot ang puso ng mommy niya?

Hindi rin matanggap ng mommy ni Charice ang pakikipagrelasyon niya kay Alyssa Quijano. Ginagamit lang daw nito si Charice para sumikat.

comments