Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Kim takot nang makipagkaibigan sa taga-showbiz

Kim takot nang makipagkaibigan sa taga-showbiz

KIM Chiu and Mae Czarina Cruz

by Rowena Agilada

AS expected, walang inamin sina Kim Chiu at Xian Lim tungkol sa status ng relasyon nila kahit ano pang pangungulit ng entertainment writers noong presscon ng “Bride for Rent.”

“We don’t owe you any of our personal lives. You can think naman what you want to think. As long as you’re happy when you watch us on TV. Nakikita n’yo kung paano kami ma-in love. ‘Yun na ‘yun:’ saad ni Kim.

Aniya pa, masaya sila ni Xian kapag magkasama sila. Thankful siyang parating andiyan si Xian sa mga pangyayari sa buhay niya, lalo na noong namatay ang mommy niya. Ayon pa kay Kim, si Xian lang ang showbiz friend niya. Natatakot na raw kasi siyang makipagkaibigan. Natrauma kaya si Kim sa dati niyang friend na si Maja Salvador?

Ayon pa kay Kim, talagang nage-effort si Xian na mag-reach out sa pamilya niya. Nagpupunta ito sa bahay nila at nagdadala ng pagkain. Tinetext nito ang daddy at mga kapatid niya ng mga joke kahit corny ‘yung iba.

Husband material ba si Xian? “Oo naman,” sambit ni Kim. “Maalaga siya, mabait at marespeto. Pag nagasawa ako, ayoko sa babaero. Dapat isa lang. Loyalty is the best policy, di ba?” May pinatatamaan kaya si Kim? Nagbabasa ka ba, Gerald Anderson?

Extra Challenge
Second movie together nina Kim Chiu at Xian Lim ang “Bride for Rent.” Una silang nagtambal sa “Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?’: Ani Kim, may pressure dahil kumita sa takilya ang BHKCNCM na ginawa nila last year. Sana raw ay suportahan din ang BFR.

“Sobrang challenge sa akin ang role ko. Nakakapanibago dahil sobrang komedyante ako to the highest level. Extra challenge talaga na nag-effort ako sa pinaggagawa ko. Agresibo ang karakter ko na habol nang habol sa lalake. Laking iskuwater ako kaya palaban,” wika ni Kim.

Showing on Jan. 15 ang “Bride for Rent” sa mga sinehan nationwide.

Revelation
Confident si direk Mae Czarina Cruz na magugustuhan ng moviegoers ang “Bride for Rent” at kikita ito sa takilya. Aniya, napatunayan na nina Kim at Xian ang kanilang love team sa “Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?”

“Sobrang komportable sila sa isa’t isa kapag nasa set. May chemistry sila. They support each other sa mga eksena nila together. Off-camera, nakikita ko ‘yung genuine friendship nila. They get along well,” pahayag ni direk Mae.

Aniya pa, Kim has grown as an actress. Komportable ito sa ganitong genre (romantic-comedy). Revelation daw si Kim sa pelikulang ito. “Nagefforttalaga sila ni Xian sa acting nila. They found their niche sa romcom,” ani direk Mae.

Dagdag pa ng lady director, mala pit sa puso niya ang “Bride for Rent” dahil soon ay magpapakasal na siya sa kanyang fiance. Huling movie niya ito na dalaga pa siya at sa pamamagitan nito’y nais niyang ibahagi sa moviegoers ang mga pananaw niya tungkol sa marriage.

High school friends sila ng kanyang fiance. After so many years, muli silang nagkita sa kanilang class reunion. Diborsiyado ito. Direk Mae is 40 years old na at aniya, “I’ve waited for the right man.” Best wishes, direk Mae.

comments