Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Rafael nag-alaga ng ahas to prepare for father role

Rafael nag-alaga ng ahas to prepare for father role

RAFAEL Rosell

RAFAEL Rosell

by Rowena Agilada

MALA-“Blue Lagoon” ang tema ng “Paraiso Ko’y Ikaw” na pagtatambalang muli nina Kristoffer Martin at Kim Rodriguez. Unang sinubukan ang kanilang tandem sa “Kakambal ni Eliana” na launching project ni Kim sa GMA7.

Sa “Paraiso Ko’y Ikaw” na si Bb. Joyce Bernal ang direktor, may pagka-daring and sexy ang role ni Kim. Aniya, magpapakita siya ng skin, may wet look scenes at underwater scenes. Kamisong puti ang kadalasang suot niya. Ani Kim, handa siya sa anumang ipagagawa sa kanya ni Bb. Joyce.

First time niyang makakatrabaho ang lady director, kaya pressured at kinakabahan siya, ayon kay Kim. Nagkita na sila ni Bb. Joyce noong 15 years old pa lang siya, ani Kim. “Passer-by lang ako noon sa mga nag-a-audition at naaaiaia ko pa ang sinabi niya na pwede raw akong maging artista,” sambit ni Kim nang nakausap namin sa pictorial ng PKI.

Kasama sa cast ng PKI si Joyce Ching na ex-girlfriend ni Kristoffer. Kontrabida si Joyce at ani Kim, handa na siya sa gagawing pagpapahirap nito sa kanya. Posible kayang ma-in love siya kay Kristoffer ngayong break na ito at si Joyce? “Respeto na lang kay Joyce. Pero ewan ko rin. Hindi ko masabi kung mai-in love ako kay Kristoffer (laughs), kilig-kiligang wika ni Kim. Sa Monday (Jan. 20) ang simula ng taping ng PKI sa Pangasinan at Zambales, ayon kay Kim.

No wedding plans
Sa presscon ng “The Borrowed Wife,” naitanong kay Pauleen Luna kung ano’ng gagawin niya sakaling magloko ang boyfriend niyang si Vic Sotto. “Mahirap sagutin ‘yan. I’ll cross the bridge when I get there. O, baka end of the bridge ‘yun (laughs),” ani Pauleen.

Aniya pa, hindi siya obsessed pagdating sa pagibig, kabaliktaran ng role niya sa TBW bilang Tessa. Gagawin niya ang lahat para mapasakanya ang lalaking minamahal niya, si Rico (Rafael Rosell).

In real life, 101% happy siya with Vic Sotto, bagaman nahihirapan din siya sa kanilang relasyon, ayon kay Pauleen. “Big thing kasi dahil maraming sinasabi ang ibang tao,” she said.

Two years na sila together ni Vic, pero wala pa silang wedding plans. “Napag-uusapan lang. Ayokong pangunahan ang mga bagay-bagay. As long as we’re both happy. Open kami sa isa’t isa. Hayaan na lang kung ano pang mangyayari,” pahayag ni Pauleen.

Ano’ng nagustuhan niya kay Vic? “He’s a very simple guy. Hindi maluho sa buhay. Hindi siya naaapektuhan ng success or kung anuman ang narating niya ngayon.”

Ahas ang peg?
‘Kaloka ang peg ni Rafael Rosell kung paano mag-alaga ng isang anak. Father role ang assigned sa kanya sa “The Borrowed Wife” at aniya, hesitant siyang tanggapin ang offer ng GMA7. Wala pa raw kasi siyang experience sa pagiging isang tatay. Kaya lang, na-challenge siya sa kanyang karakter bilang Rico. May anak sila rito ni Maricar (Camille Prats). In preparation sa kanyang role, naghanap si Rafael ng batang pwede niyang alagaan. Wala siyang mahanap, kaya hiniram na lang niya ang alagang ahas ng isa niyang kaibigan. Nakipagbonding siya sa ahas. “Kung kaya kong alagaan ang ahas, why not ang isang bata?” sambit ni Rafael. Ikumpara ba ang ahas sa bata?

Sa set ng TBW, ayon kay Rafael, nakikipag-bonding na lang siya sa child star na si Rhed Bustamante na gumaganap bilang anak nila ni camille. Kahit papaano raw, napi-feel niyang maging tatay.

comments