Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Martin Escudero: ‘No problem with billing’

Martin Escudero: ‘No problem with billing’

MARTIN Escudero

by Rowena Agilada

SOBRANG nag-enjoy si Solenn Heussaff sa Holiday vacation niya sa Argentina kasama ang Argentinian boyfriend niya. Dumating siya last Tuesday (Jan. 14) at kinabukasan (Jan. 15), dumalo siya sa presscon ng “Mumbai Love.” Mahilig mag-travel si Solenn, kaya natuwa siya noong nag-shoot sila sa India ng naturang pelikula, produced by Capestone Pictures at released ng Solar Entertainment.

Ani Solenn, isa ‘yun sa mga bansang gusto niyang puntahan dahil aniya, magaganda ang fabrics at beads doon na pwede niyang gamitin bilang isang fashion designer. “I really love the place. Very colorful and exotic, rich in culture. I love the food, everything. I had a nice experience in India,” sambit ni Solenn sa presscon ng “Mumbai Love.”

First starring role niya ito at solong leading lady siya, kaya aniya, sobrang happy at excited siya sa project. Wholesome ang karakter niya at pinabata ang itsura niya. Nag-imbento nga raw siya ng mannerisms at less make-up siya rito.

Ang former model aspiring actor na si Kiko Matos ang love interest ni Solenn sa “Mumbai Love” at aniya, hindi naman ito pinagselosan ng kanyang Argentinian BF. Supportive at cool BF daw ito.

By the way, catch Solenn sa “Taste Buddies” sa GMA News TV today at 5:45 p.m. with Isabelle Daza. Magsa-shopping galore sila sa Tiendesitas Mall kasama sina Wilma Doesnt at Alex Medina. Mag-a-outfit hunting sila na P100 each lang ang pera nila. Kasya kaya ‘yun?

Takot sa Bumbay
Nag-react ang ilang press people sa billing ng pangalan ni Martin Escudero sa “Mumbai Love” noong presscon nito. Bakit daw nauna pa ang pangalan ni Jayson Gainza? “Andiyan na ‘yan,eh!” sambit ni Martin nang hingan siya ng reaction. Aniya, hindi isyu ‘yun sa kanya dahil nag-enjoy naman siya sa shooting ng “Mumbai Love” sa India. Nagkaroon siya ng chance makarating doon kung saan nanatili siya at ibang co-stars for almost two weeks.

Ani Martin, mababait ang mga taga-India. Noong maliit pa siyang bata, ang mga ito ang panakot sa kanya ng parents niya. “Sinasabihan nila akong gagawin daw akong vetsin ng mga Bumbay dahil maputi ako. Takot na takot ako noon sa mga Bumbay. Noong nag-shoot kami ng “Mumbai Love” sa India, nawala ang takot ko. Mababait , masisipag at matatalino sila. Maraming magagandang produkto ang nanggagaling sa India.”

Kaibigan ni Solenn Heussaff ang role ni Martin sa “Mumbai Love” at sobrang bait daw nito at down to earth. Noong una raw, akala niya’y suplada at sosyalera si Solenn na parang mahirap lapitan. “Masarap at magaan siyang katrabaho. Hindi maarte,” sabi ni Martin.

Oo nga pala, guest ang aktor sa “Tropang Moko Unli” na mapapanood ngayong Sabado sa TV5 pagkatapos ng “Pinoy Explorer”. Abangan si Martin sa “Battle of the Brainless” with Bianca King. Tutukan din ang nakakatawang segments na “Sitcom Family,” “Balitang Affected Much” at ang kontrobersiya sa artistang si Kim Chi (without u).

And more
May GMA Kapuso Mall show today at 4 p.m. ang “Adarna” stars na sina Kylie Padilla, Mikael Daez at Benjamin Alves sa Centrio Mall, Cagayan de Oro. Tampok sa “Magpakailanman (Ang Huling Dasal ng Isang Ina)” sina Angelu de Leon, Ryan Eigenmann, Rich Asuncion, Anika Tindoy at Chanda Romero. Tungkol ito sa isang ina na deboto ni Sto. Nino. May hydrocephalus ang anak nito na nangangailangan ng operasyon.

Tanging pananalig kay Sto. Nino ang kinakapitan sa pag-asang maililigtas ang anak.

Abangan ang kuwento ng debotong si Jacky (Angelu de Leon) pagkatapos ng “Vampire ang Daddy Ko” sa GMA7. Simula ngayong Sabado, magiging regular na si Sam Pinto sa VADK bilang Maria na may gusto kay Victor (Vic Sotto), pero ayaw naman nito sa kanya.

comments