Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Alden tagged as next Kapuso Primetime King

Alden tagged as next Kapuso Primetime King

ALDEN Richards

by Rowena Agilada

HIYA-HIYAAN si Alden Richards nang sabihin sa kanya ng entertainment writers sa presscon ng “Carmela” na siya ang next Kapuso Primetime King. Siya kasi ang reigning prince ng GMA na, aminin man o hindi, ikinai-insecure ng ibang Kapuso actors na nauna pa sa kanya.

Three years pa lang si Alden sa GMA and at the rate things are going sa kanyang career, hindi malayong maging Kapuso Primetime King din siya. Mismong si Dingdong Dantes na itinuturing na Hari ng GMA ang nagsabing malaki ang potensiyal ni Alden na maging big star, lalo pa’t kapareha siya ngayon ni Marian Rivera, ang Reyna ng GMA.

“Naku, malayo pa ang level ko kumpara kay Dingdong para sabihing ako ang next Kapuso Primetime King. Ayokong isipin ‘yun. Basta, dito sa “Carmela,” extra-effort ako sa trabaho ko. Biggest break ko ito at most challenging na maging leading man niya (Marian) ako. Nagpapasalamat ako na pumayag si Marian,” wika ni Alden.

Aniya pa, very supportive sa kanya si Marian. Noong kunan ang kissing scene nila para sa music video ng “Carmela:’ kinabahan siya. She made him feel comfortable at tinuruan pa raw siya ni Marian kung paano ang gagawin nila. Ani Alden, take one lang ‘yun dahil ayaw niyang isipin ni Marian na nagte-take advantage siya. “Bago kami mag-take, panay ang toothbrush ko (laughs):’ sambit pa ni Alden.

Mag-bilas
Kapag nagkataon, magiging mag-bilas sina Marian Rivera at Rochelle Pangilinan. Ang boyfriend ni Rochelle na si Arthur Solinap ay pinsan ni Dingdong Dantes. Sa presscon ng “Carmela,” naitanong kay Rochelle kung sino kaya sa kanila ang mauunang ikasal. Aniya, for sure, sina Dingdong at Marian.

Ewan kung seryoso o joke lang ni Rochelle na baka nga raw nag-propose na si Dingdong ng kasal kay Marian. Mataga-tagal na rin silang magkarelasyon ni Arthur at hinihintay na niya ang marriage proposal nito. Pero waley pa rin. Si Arthur na ang ”the one” for her dahil ani Rochelle, hindi sila magtatagal kung
maglolokohan lang sila.

In passing daw, napag-uusapan nila ni Marian ang pagpapakasal sa kanilang respective BFs at ang mga magiging anak nila, if ever magkatuluyan sila ni Arthur at sina Dingdong at Marian . In any case, second time to work together nina Marian at Rochelle sa “Carmela.” Una’y sa “Amaya.” Kontrabida si Rochelle sa “Carmela” bilang Yolly. Gagawin niya ang lahat para siraan si Carmela (Marian).

Wanted: BF
Ang ganda ng aura ni Yayo Aguila noong presscon ng “The Borrowed Wife.” “Siyempre, kailangan kong magpaganda para sa trabaho ko. Puhunan namin itong mga artista (laughs),” ani Yayo.

Aniya pa, happy disposition lang siya parati at self-discipline. Nagwoworkout din siya. Six years na silang hiwalay ng husband niyang si William Martinez, pero okey naman sila . Friends sila. Na kay Yayo ang mga anak nila at tanggap na ng mga ito ang kanilang sitwasyon.

Open pa rin si Yayo sa mga manliligaw at aniya, may mga non-showbiz guys na nagpaparamdam. Nagkaboyfriend na nga siya, pero one year lang ang naging relasyon nila. Maraming bagay silang hindi pinagkakasunduan.

Anyway, sa “The Borrowed Wife,” Yayo plays Elda, mother ni Rico (Rafael Rosell). Nagsimula na itong mapanood kahapon sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng “Villa Quintana” at “Magkano Ba ang Pag-ibig?”

Tampok sa TBW sina Camille Prats, TJ Trinidad,Diego Castro, Pauleen Luna, Kevin Santos, Sherilyn Reyes, Caridad Sanchez, among others. Directed by Gil Tejada.

comments