Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Kristoffer and Joyce give conflicting statements on breakup

Kristoffer and Joyce give conflicting statements on breakup

KRISTOFFER Martin and Joyce Ting

by Rowena Agilada

Conflicting ang mga pahayag nina Kristoffer Martin at Joyce Ching sa magkahiwalay na interbyu namin sa kanila noong presscon ng “Paraiso Ko’y Ikaw.” Una naming nakausap si Joyce na aniya si Kristoffer ang nakipag-break. Kinuha raw nito ang identical rings nila na ibinigay nito sa kanya during their Tweenhearts days. Two years and eight months sila together.

Ayon pa kay Joyce, si Kristoffer ang first boyfriend niya. “Complicated” ang sagot ni Joyce nang tanungin namin kung pinagselosan ba niya si Julie Anne San Jose. Joyce turned 19 on January 5 at binati naman daw siya ni Kristoffer. Pero wala raw itong birthday gift sa kanya.

When told na sinabi sa amin ni Kristoffer noong pictorial para sa “Paraiso Ko’y Ikaw” na gusto pa rin siya nito at nami-miss siya ng ex-BF, parang ayaw maniwala ni Joyce at nag-look-up, look up siya.

Affected
Nang nakausap naman namin si Kristoffer,itinanggi niyang siya ang nakipag-break kay Joyce. Itinanggi rin niyang binawi niya ang ibinigay niyang identical ring kay Joyce. Ani Kristoffer, isinauli ‘yun sa kanya ni Joyce noong nag-break sila. Noong ibinabalik niya ang singsing, ayaw kunin ni Joyce.

Ayon kay Kristoffer, itinago na lang niya ‘yun bilang souvenir. Nawala kasi ‘yung singsing niya na kapareho ng kay Joyce.

“Hindi ako ang first boyfriend niya,” sabi naman ni Kristoffer when told na ayon kay Joyce, siya ang una nitong BF.Itinanggi rin ni Kristoffer na pinagselosan ni Joyce si Julie Anne San Jose, taliwas sa sagot ni Joyce. When told na sinabi ni Joyce na wala siyang birthday gift, “’Yun ba ang sinabi niya? O, sige, basta kung ano pa ‘yung iba niyang sinabi, ‘yun na ‘yun. Ayoko nang magsalita. Ang usapan kasi namin noong nag-break kami, sa amin na lang . Hindi na lalabas. Aaminin ko, nakapagsalita ako noon na malabo ang relasyon namin,” mangiyak-ngiyak na pahayag ni Kristoffer. Halatang affected ang Kapuso actor nang gabing ‘yun pagkatapos naming mainterbyu ay tumahimik na lang . Bagsak ang mukha na bakas ang kalungkutan. Transparent kasi si Kristoffer na kung ano‘ng nararamdaman niya, hindi niya maitago.

Si Joyce naman, ewan kung feeling-feelingan lang na hindi siya affected . O, magaling lang siya magtago ng emosyon? Kasama niyang umalis sa presscon ang kanyang parents at naiwan pa si Kristoffer. Ang mga bagets talaga!

Pilot episode
Napanood namin ang pilot episode ng “Rhodora X” na magsisimula ang kuwento noong mga bata pa sina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi at Mark Herras. Si Kyle Ocampo ang gumaganap bilang batang Angela (Yasmien), AR Angel Aviles , batang Rhodora (Jennylyn) , Therese Martin Malvar , batang Roxanne (Jennylyn) at Antone Luis Limgengco, batang Joaquin (Mark).

Sina Gardo Versoza (Derick) at Glydel Mercado (Lourdes) ang mga magulang nina Rhodora at Angela. Isa silang masayang pamilya . Malapit sa isa’t isa ang magkapatid na Angela at Rhodora. Nahiwalay sa kanyang pamilya si Rhodora nang kidnapin siya ng isang lalaki (Rez Cortez) sa isang park. Sinisi ni Lourdes si Angela sa pagkawala ni Rhodora dahil sinabihan niya ito na huwag lalayo sa pinaglalaruan nila.

Nakakita sina Rhodora at Angela ng isang aso at sinundan niya ito,naiwan si Rhodora.Si Joaquin pala ang may-ari ng aso. Sa kahahanap kay Angela ay napalayo si Rhodora,hanggang kidnapin siya ng isang lalaki. Ginupitan siya nito ng buhok para mag-mukhang lalaki at binihisan ng damit pang-lalaki para makalabas sila sa park na walang nakakilala kay Rhodora.

Dinala si Rhodora sa isang hideout at ikinulong. Doon niya nakilala ang batang si Roxanne na maangas ang dating. Nabaril ito noong nagtangkang tumakas at naiwan si Rhodora. Mapapanood ang “Rhodora X” simula sa January 27 sa GMA Telebabad.

comments