Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Mark at Marian nagkatuluyan sana kundi dahil kay Jennylyn

Mark at Marian nagkatuluyan sana kundi dahil kay Jennylyn

MARK Herras

by Rowena Agilada

DREAM come true kay Kylie Padilla na maging action star sa pelikulang “Sa Ngalan ng Ama, Ina at mga Anak.” Kasama niya rito ang kanyang papa Robin na nagsabing, “Mukhang masasagip ko na ang anak ko sa pa-cute role. Matagal nang gusto ni Kylie mag-action at natupad ito sa pelikula namin.”

Ayon kay Kylie, bata pa siya’y sinanay na siya ng kanyang papa Robin sa boxing, muay thai at iba pang martial arts. “Pinalaki akong parang lalaki (laughs),” ani Kylie.

May special participation si Aljur Abrenica sa SNAIA at ayon kay Kylie, okey naman ang naging working relationship nito at ng kanyang papa Robin. No show si Aljur sa presscon. Sabi pa ni Kylie, excited daw si Aljur at isang malaking karangalang nakatrabaho nito si Robin.

Sabi ni Robin, isa si Aljur sa mga naging dahilan na muntik na niyang hindi ituloy ang pelikula. Hindi lang nag-elaborate si Robin kung bakit. Sinabihan lang daw siya ng kanyang kuya Rommel na ituloy nila ang pelikula.

Samantala, aksiyun-aksiyunan din si Kylie sa ilang eksena niya sa “Adarna.” Nag-e-enjoy siya sa mga paglipad-lipad niya. Nalaman na ng lahat na siya ang taong ibon.

Paigting nang paigting ang mga kaganapan, kaya tutok lang gabi-gabi sa “Adarna,” Lunes hanggang biyernes sa GMA Telebabad.

JENNYLYN Mercado

Di alam
Hindi pala alam ni Jennylyn Mercado na siya ang dahilan kung bakit naudlot noon ang relasyon sana nina Mark Herras at Marian Rivera. Matapos mag-break noon sina Jen at Mark ay niligawan nito si Marian at muntik nang maging “sila.”

Noong nag-shoot sina Mark at Jen sa New York ng “I Luv New York,” nabalitang nagkabalikan sila, kaya pagbalik nila sa Pilipinas, hindi na sinagot ni Marian si Mark. Ewan lang kung aaminin ito ni Marian.

Itinanggi ni Jen na nagkabalikan sila noon ni Mark. “Walang gano’n. Di ko alam ’yung tungkol sa kanila ni Marian. Walang sinabi sa akin si Mark noong nasa New York kami,” wika ni Jen nang nakausap namin sa presscon ng “Rhodora X.”

Aniya pa, walang ilangan factor kapag nagkikita sila ni Marian kahit noon pa hanggang ngayon. Nagkatrabaho sila sa isang GMA series na si Marian ang nanay ni Jen.

May mga umaasang magkakabalikan sina Jen at Mark ngayong balik-tambalan sila sa “Rhodora X.” Pero anila, they’re better off as friends. “Ninong si Mark ng anak kong si Alex Jazz. Gusto namin ang pang matagalang friendship,” ani Jen.

Pilot telecast tonight ng “Rhodora X” kung saan split personality ang karakter ni Jen.

Intimidated
Mother role ang ginagampanan ni Mariel Rodriguez sa “Sa Ngalan ng Ama, Ina at mga Anak.” Siyam ang anak nila rito ni Robin Padilla. In real life, wala pa silang anak dahil mutual decision nilang huwag muna silang magka-baby. Ani Mariel, challenge sa kanya ang mother role. Hindi raw pala biro ang mag-alaga ng siyam na anak.

Ayon kay Mariel, hindi niya itinuturing na anak ang mga anak ni Robin na sina Queenie, Kylie, Shen at Ali, kundi mga kaibigan niya. “May mom sila (Liesel Sicangco),” ani Mariel. Okey naman ang samahan nila ng mga anak ni Robin. Kasundo niya ang mga ito at tita Mariel ang tawag sa kanya.

Ayon pa kay Mariel, intimidated siya working with the Padillas sa “Sa Ngalan ng Ama, Ina at mga Anak.” Big challenge sa kanya dahil magagaling na artista ang mga ito. “Lalamunin ako (sa mga eksena) ni Robin. Magaling siyang aktor, pati mga in-laws ko. Best foot forward ako parati. Ang sarap nilang katrabaho,” lahad ni Mariel.

Bukod sa pagiging artista sa “Sa Ngalan ng Ama, Ina at mga Anak,” bahagi rin siya ng production dahil ang asawa niyang si Robin ang producer under his RCP (Robin Carino Padilla) Productions.

comments