Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Enzo wears new look

Enzo wears new look

DIRECTOR Jay AltarejosNEW look si Enzo Pineda nang humarap sa entertainment writers para sa presscon ng “Basement.” Nagpatubo siya ng bigote at medyo pumayat din si Enzo. Aniya, sinadya niya ngayong 2014 ang new look na nagustuhan naman ng girlfriend niyang si Louise delos Reyes. Magkasama sila sa naturang movie, pero wala silang eksena together, ayon kay Enzo.

Si Sarah Lahbati ang madalas niyang ka-eksena. Bago nagsimula ang shooting, may isyu sa kanilang tatlo. Naging special friends sina Sarah at Enzo. Then, nabaling ang atensiyon ni Enzo kay Louise, hanggang naging “sila” na hanggang ngayon.

Ani Enzo, okey naman sila ni Sarah noong nag-shoot sila ng “Basement.” Nagbabatian sila sa set.

Sa Feb. 12 ang showing ng “Basement” at guessing game kung tutulong si Sarah sa promotion ng movie. Anytime soon, parating na sila ni Richard Gutierrez mula sa kanilang US vacation. Ang Springboard Productions na sister company ng GMA Films ang nagprodyus ng “Basement” with CoffeeHouse Pictures.

Si Topel Lee ang direktor ng “Basement” at aniya, hindi pinutol ang mga eksena ni Sarah. Nagpasalamat siyang bago pa nagkaroon ng problema between her and GMA Films ay natapos ni Sarah ang kanyang mga eksena. Ayon pa kay direk Topel, wala siyang naging problema working with Sarah.

Berlin-bound
Paalis si direk Jay “Joselito” Altarejos on Feb. 4 patungong Berlin para dumalo sa gaganaping 64th Berlin International Film Festival (Feb. 6 to 16). Ang pelikula niyang “Unfriend” ay magkakaroon ng world premiere sa Panorama section on Feb. 8.

Nakalahok na sa iba’t ibang international film festivals ang mga ginawang pelikula ni direk Jay, pero aniya, first time niya sa BIFF. “Ibang pakiramdam dahil malaking festival ito. Sobra akong excited,” he said.

Tampok sa “Unfriend” sina Boots Anson-Roa, Sandino Martin at Angelo Ilagan. Kasama ni direk Jay tutungo sa Berlin ang producer na si Mark Xander Fabillar, ang director of photography na si Arvin Viola at ang lead actor na si Sandino. Nabili ng Fortissimo Films ang international rights ng “Unfriend.”

Tatlong pelikula ang nakatakdang gawin ni direk Jay, isa sa Regal Entertainment, isang indie film at isa para sa Cinemalaya Film Festival titled “Kasal.” Sa TV, nagdirek siya ng mga teleserye sa GMA7. Pinakahuli ang “Legacy” na tinampukan nina Lovi Poe, Heart Evangelista, Alessandra de Rossi at Mike Tan.

Pagkatapos ng naturang serye, nagbakasyon for a while si direk Jay. Nagpunta siya sa Cebu at sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Nagbalik-TV siya sa TV5 at unang directorial job niya ang “Obsession,” tampok sina Martin Escudero, Marvin Agustin, Bianca King at Neri Naig.

Kumusta magtrabaho sa TV5? “Masaya, masarap at malaki ang talent fee,” saad ni direk Jay. He is managed by Manny Valera under DMV Entertainment. Five years ang kontrata niya, ayon kay direk Jay.

And more
Mamaya sa “Rhodora X,” tatakas si Rhodora, pero nahuli siya ni Mando. Natunton ni Derick ang address ni Mando at pinuntahan niya ito. Ipinagkaila nito si Rhodora. Nag-report sa mga pulis si Derick, pero naitakas ni Mando si Rhodora sakay ng bangka. Nagkabarilan, tumaob ang bangka, nilamon ng alon si Rhodora… Nag-post-birthday celebration si Sheena Halili sa Golden Reception and Action Center for the Elderly and Other Special Cases (GRACES). Sa tulong ng GMA Artist Center, nag-share ng kanyang blessings si Sheena sa mga matatandang kinakalinga roon. “Ang sarap ng feeling na nakasama ko sila at kahit papaano’y napasaya ko sila, ani Sheena.

comments