Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jodi, Jolo wala pang balak magpakasal

Jodi, Jolo wala pang balak magpakasal

JODI Sta Maria flawlessby Rowena Agilada

Blooming si Jodi Sta. Maria at kita sa aura niya na very much in love at inspired siya. Payat-payatan siya ngayon, flat ang tiyan ,patunay na false alarm ang napabalitang buntis siya. Itinanggi na ito ni vice-governor Jolo Revilla. Itinanggi rin ito ni Jodi nang humarap siya sa entertainment press para sa contract-signing niya bilang endorser ng bagong campaign na Alagang Flawless.

Ani Jodi,personalized ang serbisyo ng Flawless. May sariling sterilized at disposable kit ang bawat pasyente at may doktor na nagpa-follow-up ng treatment. Ang pagtanggal ng fats sa kanyang tummy ang ginawa kay Jodi na aniya, isang session pa lang ay nabawasan na ng one inch. May machine na ginagamit na pantunaw,aniya.

Kahit nag-level up na ang serbisyo ng Flawless sa kanilang mga kliyente, hindi sila nagtaas ng presyo,ayon kay Ms. Rubby Sy, Flawless’ CEO. Aniya, affordable pa rin. Si Jodi ang kinuha nilang endorser ng Alagang Flawless campaign dahil bukod sa favorite actress niya ito, maalaga sa skin at sa pamilya si Jodi. “She’s not just a pretty face. Totoong tao si Jodi. She represents the flawless lady,”saad ni Ms. Rubby.

Nilinaw niyang hindi pinalitan ni Jodi ang ibang Flawless endorsers,kundi addition siya sa pamilya nito. Bilang endorser ng Alagang Flawless campaign, magkakaroon si Jodi ng billboards, print ads at social media marketing.

Ayaw pa magpakasal
Kasama ni Jodi sa presscon ang anak niyang si Thirdy. Natanong ang aktres kung paano niya hinahati ang oras niya dahil bukod sa kanyang showbiz career, may mga negosyo pa siyang inaasikaso. Tatlo ang restaurants niya, sa The Fort, sa Salcedo,Makati at sa Eastwood City. Meron din siyang milk tea bar sa ABS-CBN, Rockwell at Market Market (Taguig).

Meron pa siyang lovelife. Ayon kay Jodi,time management lang ang ginagawa niya.Thankful siya na very understanding at supportive sa kanya si vice-gov.Jolo.”Masaya pag may inspirasyon. Positive outlook lang sa buhay para pampatanggal ng stress,”she said. Aniya pa, kapag nakaluwag-luwag na ang schedule niya, gusto niyang mag-aral muli. Gusto niyang maging doktor. Kumuha si Jodi ng Medical Biology sa Dela Salle University bilang preparatory sa Medicine. Dahil sa kanyang hectic schedule, pansamantalang huminto siya sa pag-aaral.

Sa presscon pa rin ng Flawless,natanong si Jodi tungkol sa annulment ng kasal nila ng first husband niyang si Pampi Lacson. Aniya, saka na lang siya magsasalita sa tamang panahon. Okey na sila ng ex-husband niya.Nagkaayos na sila alang-alang sa anak nilang si Thirdy. Tanggap ng bagets ang half- sister nito (anak ni Pampi kay Iwa Moto).

Ayon pa kay Jodi, wala pa silang balak magpakasal ni vice-gov. Jolo. Ayaw nilang magmadali at enjoy lang muna sila sa isa’t isa. “Ang importante, nagmamahalan, nagkakaintindihan kami at respeto namin sa isa’t isa,”pahayag ni Jodi.

Battered husband
Tampok ngayong Sabado sa “Magpakailanman” ang kuwento tungkol sa isang battered husband. Pinamagatang “Sa Kamay ni Misis,”tunghayan ang kuwento ng mag-asawang Eugene at Anna mula sa kanilang ligawan, mabilisang pagpapakasal. Paano at bakit ang masaya at matamis nilang pagsasama ay humantong sa physical abuse ni misis kay mister.

Tampok sina Kris Bernal, Rodjun Cruz, Phillip Salvador, Lani Mercado at Steven Silva. Tutok lang sa “Magpakailanman” pagkatapos ng “Vampire ang Daddy Ko” sa GMA 7.

comments