Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Martin sympathizes with Vhong

Martin sympathizes with Vhong

MARTIN Nievera nieveby Rowena Agilada

BILANG isang Kapamilya, na kay Vhong Navarro ang simpatiya ni Martin Nievera. Naniniwala siya sa mga pahayag ni Vhong at ani Martin, “The truth will come out.”

Nasa Dubai sila ng kanyang ASAP family for a special show noong nalaman nila ang nangyari kay Vhong bago pa ‘yun lumabas sa media. Unang nakaalam silang apat nina Gary Valencia no, Jericho Rosales at Angeli (Gary’s wife). Nagdasal sila sa dressing room without telling sa ibang kasama nila ang nangyari kay Vhong.

Later, hindi nila alam kung paano nalaman na rin ‘yun ni John Lloyd Cruz at ng ibang ASAP family. Ayon kay Martin, hindi siya sure kung alam na rin ni Vina Morales, pero hindi na niya ito tinanong. “This can happen to anybody. Be careful na lang whom you’ll trust,” saad ni Martin nang nakausap namin sa presscon para sa Valentine concert nila ni Regine Velasquez on Feb. 14 sa SM Mall of Asia Arena.

Billed “Voices of Love,” kasama sa kanilang repertoire ang mga kantang pinasikat nina Barry Manilow, James Ingram, Whitney Houston, among others. Siyempre, kakantahin din nina Martin at Regine ang medley ng most requested hit songs nila, respectively. May kanya-kanya rin silang solo numbers. Si Rowell Santiago ang stage director at sina Louie Ocampo at Raul Mitra ang music arrangers.

Ang TV rights ay sa GMA7 at mapapanood ang VOL sa “Sunday’s Best.” Abangan na lang kung kailan ang airing date nito. Dahil Kapuso si Regine at Kapamilya si Martin, kanya-kanya silang promote ng kanilang Valentine concert. Ani Martin, sana’y payagan ng GMA si Regine na mag-promote sa ilang shows ng ABS-CBN. Wish din ni Martin na makapag-promote siya sa ilang shows ng GMA. Sana raw kahit sa “Sarap Diva” ni Regine.

“I hate network war. Weird! Dapat walang gano’n. We have so many artists na nagtatrabaho. Spread wealth, spread joy, di ba?” he said.

Birthday boy
Martin is turning a year older on Feb. 5, pero aniya, wala siyang birthday celebration. May rehearsal siya para sa “Voices of Love” concert nila ni Regine. “I hate celebrating my birthday. If it’s for other people’s birthday, gusto ko ng celebration,” lahad ng Concert King.

Aniya, ang twin sister niyang si Vicky ang magkakaroon ng birthday celebration. Superball party ‘yun (bowling) just for their family.

Bilang paghahanda sa Valentine concert nila ni Regine, nagdyu-juicing si Martin. Nagda-diet siya, less rice (brown), less water at soup lang ang food in take niya. Pumayat na nga si Martin. Ang epekto lang sa kanya ng pagdyujuicing, iritable at mainitin ang ulo niya, ayon kay Martin.

Big deal
Big deal pala kay G Toengi kapag tinawag siyang tita. Tinarayan niya si Joyce Ching nang batiin siya nito at tawagin siyang tita. “Don’t call me tita,” G was quoted as saying to Joyce.

Na-trauma yata ang bagets, kaya kapag nagkikita sila ni G sa taping ng “Paraiso Ko’y Ikaw,” hindi na binabati ni Joyce si G. Ano naman kayang masama kung tawagin siyang tita? Para kay Joyce, respeto lang niya ‘yun kay G dahil matagal na ito sa industriya. Baka naman ayaw rin ni G na tawagin siyang senior actress?

comments