Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Toni buong araw tulala matapos ang kissing/love scene with Piolo

Toni buong araw tulala matapos ang kissing/love scene with Piolo

PIOLO Pascual and Toni Gonzaga

by Rowena Agilada

NATAWA na lang at hindi nakahirit sina Piolo Pascual at Toni Gonzaga nang sabihin ni Joross Gamboa sa presscon ng “Starting over Again” na bagay sila. “Parehas kasi silang pangahan. Parang piatos pag nagkaanak sila,” tactless na sabi ni Joross.

Malabo nga lang maging “sila” dahil taken na si Toni. Seven years na ang relasyon nila ng boyfriend niyang si direk Paul Soriano. Mukhang “nangangamoy” kasalan na nga.

Si Piolo naman, claims he’s single. Pero aniya, gusto niyang mag-asawa bago siya mag-forty years old. Nali-link siya kay Shaina Magdayao, pero anang aktor walang label kung anuman ang namamagitan sa kanila. Basta masaya lang sila at nag-e-enjoy sa company ng isa’t isa. Si Shaina ang pinaka-close na babae sa kanya ngayon, ayon pa kay Piolo.

Sila ba ang magka-date on Valentine’s Day? Sadly hindi dahil he’s leaving for the United States, ayon kay Piolo. Hindi big deal sa kanya ang V-Day meron o wala siyang girlfriend.

“Hindi ko naman iniisip ’yun (V-date). Pag walang girlfriend, trabaho lang ako. Big deal sa akin kapag Christmas na sana may kasama akong girlfriend. I believe, love will come at the right time. In God’s time,” saad ni Piolo.

Kapal ng mukha
Kuwela ang mga pahayag ni Toni Gonzaga noong presscon ng “Starting over Again.” Aniya, nakilala siya sa mga linya niyang “I love you, Piolo!” sa isang TV commercial na ginawa nila noon. “Tanggap kong ’yun ang screen name ko noon. Gano’n ang tawag sa akin at hindi ako kilala as Toni Gonzaga,” aniya.

Crush ba niya noon si Piolo? “May malisya, pero ayokong isiping magugustuhan niya ako. Ang pangit-pangit ko noong nag-uumpisa pa lang ako. Ang kapal naman ng mukha ko kung nililigawan niya ako. Pero ngayon, maganda na ako (laughs).

Ayokong i-claim, nahumaling siya noon sa akin o nanligaw. Mabuti na lang, hindi nadevelop. Nakakahiya! Pag tinanong ako, sino’ng boyfriend mo? Si Piolo Pascual. Wheee! Ngayon, wow! katrabaho ko siya. Dream come true for me.”

Natulala
If only for direk Olivia Lamasan, pumayag si Toni na makipag-kissing scene at love scene kay Piolo. Ani Toni, malaki ang tiwala niya sa lady director at alam niyang hindi ’yun magiging isyu sa boyfriend niyang si direk Paul Soriano.

Tinakot pa nga raw siya ni Bea Alonzo at sinabing, “Lagot ka, si Inang (Olive Lamasan) ’yun. Dapat alamin mo karakter mo,” kaya dinaan ko na lang sa dasal. Hindi ko nga alam, paano ko natapos ang pelikula,” lahad ni Toni.

Ayon naman kay direk Olive, natulala si Toni buong araw at marami itong tanong bago kunan ang kissing scene nila ni Piolo. “Hindi naman kasi ako kilala (sanay) sa kissing scene. Di bagay sa love scene. Kasuka-suka! Pang-comedy lang ako,” ani Toni.
May eksena pang hinahalikan ni Piolo ang leeg ni Toni. “Foreplay pa lang ’yun (laughs),” joke ni Toni. “Marami akong firsts na ginawa sa pelikulang ito.”

Ipapakulong
Mamaya sa “Adarna,” mabubuhay na si Haring Uwakro, pero mahina pa rin ito. Magagalit ito kina Lupe at Ada, ipapakulong niya ang mga ito. Pipilitin ni Ada si Lupe na magkuwento pa ng mga nalalaman nito.

Ayaw ni Ada awitang muli si Uwakro. Magagalit ito. Pupuntahan ni Ada si Migo sa kampo nina Falco. Ililipad niya ito patungong lagusan. Pero tatanggi si Migo. Gusto niyang manatili sa mundo ng mga taong ibon bilang patunay na mahal niya si Ada. Touched ang babaeng ibon sa sinabi ni Migo.

comments