Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Ralph Fernandez ayaw maging action star

Ralph Fernandez ayaw maging action star

Solenn Heusaff and Rita Avila

by Rowena Agilada

EXPECTED na ni Ralph Fernandez na pagkukumparahin silang tatlong magkakapatid (Mark Anthony at Renz) ngayong susubukan na rin niya ang acting. Dati kasi, behind-the-camera work ang gustong karirin ni Ralph. Gusto niyang maging direktor.

But then, nananalaytay rin sa dugo niya ang pag-arte, being the son of Lorna Tolentino and the late action star Rudy Fernandez. Ani Ralph, ayaw niyang maging action star. “Ayoko ng action scenes. Gusto ko ang love scenes,” joke niya sa presscon ng “Innamorata (GMA7).”

Dahil anak siya nina LT at Rudy, expected din ni Ralph na ikukumpara siya ng publiko sa kanyang parents. Aniya, challenge sa kanyang paghusayin niya ang kanyang acting. Gusto niyang maging proud sa kanya ang kanyang mama LT na very supportive sa kanya pati kay Renz. Kung nabubuhay lang ang kanilang papa Rudy, for sure supportive din ito sa kanila, gaya ng ginawa nito sa kanilang kuya Mark Anthony.

Ani Ralph, walang sibling rivalry sa kanilang magkakapatid. “We support each other,” saad ni Ralph na gaya ng kanyang kuya Mark ay isa na ring tatay. May lovechild (baby girl) si Ralph sa kanyang non-showbiz girlfriend.

Maghihiwalay
Baka raw hiwalayan niya ang kanyang asawa, ani Rita Avila sa presscon ng “Innamorata.” Si direk Eric Reyes ang husband niya at ayon kay Rita, may humula sa kanilang mag-asawa na maghihiwalay sila. “Siguro, ‘yun ang worst na magagawa ko for love,” saad ng aktres. Tinanong kasi ang cast ng “Innamorata” kung ano’ng worst ang pwede nilang gawin for love.

Ayon pa kay Rita, kabaliktaran ng mga ayaw niya ang nangyari sa kanyang love life. “Dati, ayoko ng asawa. Ayoko ng taga-showbiz. Ayoko ng mas bata sa akin,” lahad ni Rita.

But then, tumibok ang puso niya at na-in love kay direk Eric. Ani Rita, ang daming intriga sa kanilang relasyon. Pero kinakaya nilang mag-asawa na harapin at labanan ang mga intriga. Ang latest nga, maghihiwalay sila. By the way, Rita plays Alice in “Innamorata” at asawa niya si Leandro Baldemor (as Cenon). Anak nila si Jackie Rice (as Gina, an aspiring star).

Inside job?
Ayaw isipin ni Solenn Heussaff na inside job ang nangyaring nakawan sa bahay nila sa Forbes Park, Makati. Aniya, matagal na sa kanila ang mga kasambahay nila na parang mga kamag-anak na ang turing nila. Nagtataka lang si Solenn dahil ang kuwarto lang niya ang pinasok ng (o mga) magnanakaw. Aniya, hindi naman mga importanteng gamit niya ang tinangay.

By the way, lalabas na ang karakter ni Solenn sa “Adarna.” Gaganap siya bilang Dayana, ang mahiwagang ibon na gagabay kay Ada sa pagpili ng makakaisang-dibdib nito. Bilang Ibong Adarna, bibigyan niya ng tatlong pagsubok ang mga mangingibig ni Ada. Magkakatawang tao siya bilang Dayana at mahuhulog ang loob niya kay Migo (Geoff Eigenmann).

Mamaya sa “Adarna,” muling manghihina si Uwakro. Kakantahan siya ni Ada, pero hindi bukal sa kalooban nito. Magkakasagutan sina Uwakro, Lupe at Ada. Mahahanap na ni Falco ang Ibong Adarna. Mahuhuli naman ng trap ni Agalon si Migo. Makikita rin niya ang Ibong Adarna.

Teenage love story
Opening day ngayon ng “Endless Love,” Valentine offering ng United International Pictures at Solar Entertainment. Tungkol ito sa love story ng mga kabataang sina Jade Butterfield at David Elliot. Rich girl si Jade, poor boy si David, kaya tutol ang ama ni Jade sa relasyon nila ni David.

May gagawin ang dalawang teenage lovers para patunayan na walang pwedeng humadlang sa kanilang pag-iibigan. Kung ano ‘yun, panoorin n’yo ang “Endless Love” na showing sa mga sinehan nationwide.

comments