Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Max Collins: Pancho Magno is boyfriend material

Max Collins: Pancho Magno is boyfriend material

MAX Collins and Yasmien Kurdi

by Rowena Agilada

SABAY nag-renew ng kanilang kontrata sa GMA Network sina Yasmien Kurdi at Max Collins. Three-year exclusive contract ang pinirmahan ni Yasmien at 2 years naman si Max. Present sa contract-signing ang Kapuso top executives na sina chairman at CEO Atty. Felipe Gozon, GMA Entertainment TV’s Senior Vice President Lilybeth Rasonable, GMA Vice President for Entertainment TV Marivin Arayata, GMA Vice President for Drama Redgie Magno, GMA Assistant Vice President for Alternative Production Gigi Santiago-Lara, GMA Assistant Vice President for Corporate Communication Angela Javier-Cruz, GMA Assistant Vice President, Head of Talent Branding, Imaging and Marketing Unit Simoun Ferrer, Program Manager for ETV Charles Koo at Perry Lansigan, manager ni Max.

“I’m glad and grateful na bahagi pa rin ako ng GMA family. Dito ako nagsimula mula pagka-teenager, hanggang nagdalaga, nagkaasawa’t anak ako. Masaya ako at ramdam kong inaalagaan ako ng GMA,” saad ni Yasmien.

“Sobrang proud ako bilang Kapuso,” sabi naman ni Max. “Sobrang happy, thankful at blessed ako sa bago kong project (“Innamorata”). First lead role ko ito. Matagal ko itong pinangarap at hinintay.”

Ayon kay Atty. Felipe Gozon, magagandang projects ang inihahanda ng GMA para kina Yasmien at Max. Kasalukuyang napapanood si Yasmien sa “Rhodora X at magsisimula naman ang “Innamorata” ni Max sa Lunes Feb. 17.

Boyfriend material
Sa presscon ng “Innamorata,” natanong si Max sa estado ng relasyon nila ni Pancho Magno, anak ng GMA executive na si Ms. Redgie Magno. Ani Max, nasa dating stage sila ni Pancho, wala pang ligawan. Inimbita raw siya ni Pancho mag-dinner or movie date sila on Valentine’s Day (tomorrow). Boyfriend material daw si Pancho at malaki ang pag-asa nito sa kanya, ayon pa kay Max. Naipakilala na niya si Pancho sa kanyang mommy at boto ito sa Kapuso hunk.

Nasa presscon ng “Innamorata” ang mommy Redgie ni Pancho na wala namang ilang factor kay Max. Aniya, mabait ito sa kanya. Ayaw niyang isipin ng ibang tao na dahil anak nito si Pancho, kaya nagustuhan niya ang binata. “I like him as a person. Mabuti siyang tao,” ani Max.

Sigurado na
Pangatlo si Heart Evangelista sa nagsabing forever na ang relasyon nila ni Senator Chiz Escudero. Nag-post noon si Derek Ramsay sa kanyang Twitter (or Instagram ba?) na forever na sila ni Cristine Reyes. Yun pala, less than a month lang ang naging relasyon nila.

Si Maja Salvador, nag-post din na forever na sila ni Gerald Anderson. Tingnan natin kung magkakatotoo.
Ani Heart, sure na siya na sila ang magkakatuluyan ni Senator Chiz. Ayaw niya ng iba, si Chiz lang daw talaga at siguradung-sigurado na siyang ito ang gusto niyang pakasalan. Birthday ni Heart bukas at aniya, last birthday na niya bilang dalaga. Nangangamoy kasalan na ba talaga this year?

Hong Kong trip ang birthday gift ni Senator Chiz kay Heart. Mag-propose na kaya siya ng marriage kay Heart?

DNA test
Mamaya sa “Rhodora X,” itinanggi ni Roxanne (Jennylyn Mercado) ang akusasyon sa kanya ni lola Panchang (Boots Ansona-Roa). Itinanggi pa niyang kilala niya ito. Uunahan niya ito pag-uwi ng bahay para maproteksiyunan si Rhodora (Jennylyn Mercado).

Magkakasundo na sina lola Cita (Lollie Mara) at Joaquin (Mark Herras) sa kasal nito kay Angela (Yasmien Kurdi). Ipapa-DNA test nina lola Panchang at Angela si Rhodora para matiyak kung anak siya talaga nina Derrick (Gardo Versoza) at Lourdes (Glydel Mercado).

comments