Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Heart says today will be her last Valentine as single

Heart says today will be her last Valentine as single

HEART Evangelista

by ROWENA AGILADA

LOVE Day ngayon at kanya-kanyang celebration ang mga magkaka-Valentino at Valentina. Sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay in the Philippines lang magse-celebrate ng V Day, ayon kay Dingdong. “Basta, surprise ko ’yun kay Marian,” saad ng Kapuso Primetime King.

Sa bashers ng kanyang girlfriend na “pinatay” sa Facebook account, positivity na lang daw para tuluy-tuloy ang blessings, ayon kay Dingdong. Deadma na lang sila ni Marian.

What excites Dingdong ay ang bago niyang teleserye sa GMA7 kung saan makakatrabaho niya si Maricel Soriano. Magte-taping na sila next month at kasama rin sa cast si Lovi Poe. ’Heard, tipong May-December affair ang tema ng teleserye. Kung may Alden Richards si Marian na mas bata sa kanya sa teleserye nilang “Carmela (Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw), meron namang Maricel si Dingdong na mas matanda sa kanya sa pagsasamahan nilang teleserye.

Last V Day
Sabi ni Heart Evangelista, last Valentine’s Day na niya this year na dalaga siya. Ibig sabihin, magpapakasal na sila ni Senator Chiz Escudero this year or early January or before Valentine’s Day next year.

Last Valentine’s Day na rin this year ng ex-boyfriend ni Heart na si Jericho Rosales na binata siya. Naka-set na ang beach wedding nila ng fiancée niyang si Kim Jones sa May sa Boracay. Ani Jericho, wala nang makakapigil sa pagpapakasal nila. Magkasama ang soon-to-be groom and bride ngayong V Day sa isang mall shoot para sa isang brand ng chocolate. Kahit trabaho ’yun, may naisip siyang sorpresa for Kim, ayon kay Jericho. Alam niya kasing big deal sa mga babae ang V Day celebration.

Last V Day rin ito ni Karylle bilang dalaga dahil next month ay magiging Mrs. Yael Yuson na siya. Isang Catholic wedding somewhere in Tagaytay ang magaganap. Namanhikan na ang pamilya ni Yael sa pamilya ni Karylle a few nights ago. Tanong ng madlang pipol, maging last V Day rin kaya ito ng ex-boyfriend ni Karylle na si Dingdong Dantes bilang binata?

Happy rin
Kung happy ang Valentine’s Day ngayon nina Luis Manzano at Angel Locsin (balitang malapit na rin silang magpakasal), masaya rin naman ang ex-girlfriend ni Luis na si Jennylyn Mercado. Aniya, ang pamilya niya ang kasama niyang magse-celebrate ng V Day. Hindi naman daw porke wala siyang Valentino’y sad na siya.

Kung hurting pa (slight na lang naman) si Jen sa break-up nila ni Luis, totally naka-recover na siya sa break-up nila ni Dennis Trillo. Ewan kung sinadya ng writers ng “Rhodora X” (RX) o nagkataon lang na Dennis ang pangalan ni Carlo Gonzales sa naturang teleserye. Siya ’yung lalaki sa bar na pinupuntahan ni Roxanne (Jennylyn) at inaakit-akit siya nito.

Pwede namang papalitan ni Jen ng ibang pangalan, huwag lang Dennis, di ba? O, hindi kaya, nagpaka-propesyunal lang si Jen at care ba niya kung Dennis ang pangalan ni Carlo sa RX?

Mamaya sa RX, kunwari’y okey na si Angela kay Rhodora at pinatawad na niya ito. Pinagbantaan ni Derick si lola Panchang na palalayasin sakaling manggulo pa ito. Dinala ni Derick si Rhodora kay Dra. (Irma Adlawan) para sumailalim sa therapy.

Sa bachelorette’s party ni Angela, nahuli ni Pia (Vaness del Moral) si Trisha (Krista Miller) na ibinidyo nito ang dirty dancing ng isang macho dancer kay Angela. Pinalayas niya ang mga ito. Sa bachelor’s party naman ni Joaquin sa isang bar, nagkaasaran sila ni Nico (Mark Anthony Fernandez).

comments