Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Luis Manzano, may big announcement sa ‘Minute’

Luis Manzano, may big announcement sa ‘Minute’

Luis Manzano and Angel Locsin

by Rowena Agilada

NAKA-SET na sa June 14 ang kasal nina Boots Anson-Roa at Atty. King Rodrigo. Kasama sa principal sponsors sina Manila Mayor Joseph Estrada, Manay Ichu Maceda at Ms. Susan Roces. The rest ng principal at secondary sponsors ay ilang malalapit na kaibigan at kamag-anak ng soon-to-be groom and bride.

Sa isang TV interview, napag-alaman naming 17 lahat ang mga apo nina Boots at Atty. King. Siyam kay Boots, walo kay Atty. King at kasama lahat ’yun sa kanilang wedding entourage. Baka raw kasi may magtampo kapag pipiliin lang nila ang mga magmamarcha patungong altar.

Sabi ni Boots, may kuryente pa siyang nararamdaman kapag nagho-holding hands sila ng kanyang husband-to-be. She’s 68 years old at turning 75 naman si Atty. King. Pangatlong lalaki na siya sa mga minahal ni Boots. Aniya, nagkaroon siya ng boyfriend bago pa niya nakilala at naging asawa ang yumaong TV host na si Pete Roa. Ayon kay Boots, namatay na rin ang una niyang boyfriend.

Just curious, gamitin pa rin kaya ni Boots ang Roa sa kanyang screen name kapag kasal na siya kay Atty. King? O, Boots Anson-Rodrigo na ang gagamitin niya? O, parang si Ali Sotto na kahit nag-asawa na ng isang diplomat na foreigner ay Sotto pa rin ang ginagamit sa kanyang screen name?

By the way, kinaiinisan ang karakter ni Boots bilang lola Panchang sa “Rhodora X.” Maepal na biyenan siya ni Gardo Versoza at lola nina Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi. Hindi niya matanggap na apo si Jennylyn dahil hindi raw ito ang tunay na Rhodora.

Big announcement
Inaabangan ang guesting ni Angel Locsin sa “Minute to Win It,” hosted by Luis Manzano. Totoo kayang may big announcement ang dalawa sa pagtatapos ng game show na ito ni Luis? Officially together na kaya sila? Hindi pa ba? Eh, halata namang nagkabalikan na sila.

Tinukso nga si Luis nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga noong nag-guest sila sa MTWI. Bagay raw kay Luis ang kanta at title ng movie nilang “Starting over Again.”

May pahiwatig din daw si Governor Vilma Santos-Recto na tila may mahalagang ipapahayag si Luis. Basta ayaw raw niyang pangunahan ang kanyang anak kung ano ’yun. May kinalaman kaya ’yun sa balitang malapit nang magpakasal sina Luis at Angel? Sinabihan na nga nila si Kris Aquino na isa ito sa mga ninang.

Tunay na kaibigan
Ang tunay na kaibigan, walang iwanan. ’Yan ang pinatutunayan ngayon ni Phillip Salvador sa mga kaibigan niyang sina Senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada. Nahaharap ngayon sa matinding kontrobersiya ang mga ito at ayon kay Ipe, suportado niya ang mga BFF (Best Friends Forever) niya.

Naniniwala si Ipe na malalampasan nina senators Bong at Jinggoy ang matinding pagsubok na ito sa kanilang buhay. Ipinagdarasal niya na lalabas din ang katotohanan. Nakausap si Ipe ng entertainment writers sa special screening ng “Bawat Sandali” sa Studio 4 ng TV5 sa Mandaluyong City. May special participation siya sa telesine na ito ng Studio5 Original Movies na mapapanood sa Feb. 25 sa TV5.

Isang police investigator ang role ni Ipe rito. Minsan pa’y pinatunayan niyang there’s no small role sa isang mahusay na artista. Kahit hindi siya ang male lead role sa “Bawat Sandali,” nagpakita ng mahusay na pagganap si Ipe. Bida sa “Bawat Sandali” sina Derek Ramsay, Angel Aquino at Yul Servo.

comments