Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Carla, di umaasa sa Valentine

Carla, di umaasa sa Valentine

Carla Abellana and Ejay Falcon

by Rowena Agilada

Hindi isyu kay Carla Abellana kung hindi sila nakapag-date ni Geoff Eigenmann noong nakaraang Valentine’s Day. May taping kasi ang aktor ng “Adarna.” Hindi rin big deal kay Carla kung walang gift si Geoff o kahit flowers or chocolates for her ang boyfriend niya. Hindi kasi romantic type si Geoff,ayon kay Carla nang nakausap ng entertainment writers sa presscon ng “Third Eye” ng Regal Entertainment.

‘Yung tungkol sa naipost niyang caption sa kanyang Instagram account na ang lola (Delia Razon) niya ang pinakamagandang babae para sa kanya, walang malisya ‘yun,ayon kay Carla. Huwag na raw silang pag-awayin ni Marian Rivera. Nagkataon kasing nagpo-promote ang huli ng “Carmela (Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw”), kaya may mga nag-react sa post ni Carla. Deadma lang si Marian para walang isyu.

Busy-bisihan ngayon si Carla sa pagpo-promote ng “Third Eye,” na aniya, “Truly scary. Maraming eksenang matatakot ang viewers. Ako nga, natakot noong shooting namin. Eerie ang feeling ko sa location at ‘yung sigaw ko sa mga eksena, totoo ‘yun! Hindi arte lang.” Isang babaeng ipinanganak na may third eye ang role ni Carla. Nagdulot ‘yun ng matinding trauma noong bata pa siya,kaya isinara ‘yun ng kanyang lola (Boots Anson-Roa). Mabubuksan muli noong lumaki na siya. Sa February 26 ang showing ng “Third Eye.”

Naudlot
Si Ejay Falcon ang gumaganap bilang asawa ni Carla Abellana sa “Third Eye.” Aniya, kinabahan siya noong kunan ang kissing scene nila dahil first time sila magkatrabaho. Wala pa silang bonding at magkaiba pa sila ng network. “Mabait naman pala si Carla,”ani Ejay. “Akala ko kasi suplada at mahirap katrabaho.”

Loveless siya ngayon,ayon kay Ejay,kaya wala siyang date noong nakaraang Valentine’s Day. Lumabas lang sila ng younger sister niya. Ano’ng nangyari sa panliligaw niya kay Yam Concepcion? Ayon kay Ejay, tumigil na siya sa panliligaw for personal reasons. Itinanggi naman niyang nanligaw siya kay Andi Eigenmann. Nag-guest lang daw siya sa “Galema.” “’Yun lang ‘yun! Walang ligawan,”saad ni Ejay.

Ang ganda naman ng ngiti ni Ejay nang banggitin namin si Queenie Padilla. When asked kung totoo bang pinigilan ni Robin (Padilla) ang “something” nila noon ni Queenie, kaya naudlot, speechless si Ejay at ngumiti lang.

Loveless
Loveless din ngayon si Luis Alandy, kaya dateless din siya noong nakaraang Valentine’s Day. He turned 34 on February 7 at nagkaroon siya ng post-birthday celebration on February 12 sa piling ng mga batang estudyante ng Cradle of Joy Foundation.

Ayon sa GMA Artist Center talent, ginusto niyang magdiwang ng kanyang kaarawan kapiling ang mga nursery students dahil malaki ang pagpapahalaga niya sa edukasyon. Bilang bahagi ng kanyang birthday/thanksgiving celebration, namahagi si Luis ng book shelves, coloring books at 100 storybooks at crayons sa mga bata, .

“Gusto ko na kahit papaano ay ma-inspire sila na mag-aral mabuti at pahalagahan ang edukasyon para sa magandang kinabukasan,”wika ni Luis na napapanood sa “Innamorata” sa Afternoon Prime series ng GMA7.

***
Mamaya sa “Adarna,” ipuputok ni Agalon kay Migo ang baril. Pero sumabog ‘yun at siya ang nasugatan.Ipapaaresto ni Uwakro si Migo at ipakukulong. Makikiusap si Lupe kay Uwakro na huwag bitayin si Migo.

Dismayado si Garuda kay Uwakro dahil nawala na ang tapang nito. Sinisi niya sina Lupe at Ada. Masasampal siya ni Lupe.

comments